ERWIN B. DABANDAN CHANNEL

Maligayang pagdating sa aking channel, Erwin B. Dabandan Channel! Sa channel na ito, sisikapin kong maihatid sa inyo ang mga katotohanan ng salita ng Diyos, sa tulong ng kanyang Espiritu na laging gumagabay sa atin. Ang interpretasyon ng salita ng Diyos na inyong masusumpungan dito ay nakabatay lahat sa Banal na Kasulatan bilang pinakamataas na pinagkukunan ng impomasyon tungkol sa Diyos. Hindi natin gagamitin ang mga bagay sa labas ng Biblia, tulad ng tradisyon at kasaysayan para patotohanan ang mga katotohanan ng Biblia. Masumpungan nawa ng inyong kaluluwa ang kapayapan at presensiya ng Diyos at ng Panginoong Jesus habang pinapanood ninyo ang video na ito. Narito ang aking pagpapagal na iniaalay ko sa Diyos para sa inyong kaligtasan.