KKK by Jeng and Otep

Ang channel na ito ay may tatlong dibisyon: Kaalaman, Kuwento, at Kulitan. Sa KAALAMAN sasailalim ang mga video na may kinalaman sa pagtuturo ng anumang asignatura, mga trivia, at iba pang anek-anek. Sa KUWENTO naman ay mga video ng tula, maikling kuwento, dagli, alamat, bugtong, pabula, kuwento ng buhay ng aming pamilya, kasama na s'yempre ang buong Team Harabas, at kung ano-ano pang akdang ako mismo ang sumulat. Ang KULITAN naman ay karaniwang mga video ng tipikal na kulitan naming mag-anak, o kaya kasama ang aming mga alagang pusa. Maraming salamat!