Пак Ён Ха – тема

Si Park Yong-ha ay isang artista at mang-aawit sa Timog Korea. Sa edad na labing-pito, nakilala si Park sa kanyang kasanayan sa pag-arte at pag-awit. Nang una siyang lumabas sa Koreanovela ng MBC na Theme Theater, nagpatuloy siyang bumida sa mga iba't ibang palabas sa telebisyon at sa pelikula. Noong 2002, lumabas si Park sa Winter Sonata kasama sina Bae Yong-joon at Choi Ji-woo na nagdulot sa kanya ng kantayagan sa bansang Hapon. Bilang mang-aawit, siya ang boses sa likod ng awiting Just For Yesterday, isang awiting tema ng drama sa SBS na All In, na pinagbidahan nina Lee Byung-hun at Song Hye-kyo.
Sa gulang na 32, nagpakamatay si Park sa pamamagitan ng pagbigti sa bahay nila sa Nonhyeon-dong, Seoul.