WORK FROM FARM PH

Ang Work From Farm PH ay isang passion project ni Chloei Capili at Christian Pabelico, na bilang millennials, ay may sari-sariling career bilang corporate workers at ang kanilang "city lifestyle" ang kanilang comfort zone simula pa sa pagkabata. Ngunit nakita nila ang oportunidad sa agriculture simula nang paglaganap ng COVID-19 sa ating bansa bilang isang ganap na pandemya -- naging tulay ito para mamulat sa mga posibilidad ng pag asenso sa paraan na hindi makakamit sa loob ng opisina.

Ang Work From Farm PH ay naglalayon na magbigay impormasyon tungkol sa mga gustong magsimula sa farming katulad namin! Ito ang aming agriculture journey bilang beginners kaya sabay sabay tayong mag-research, mag-experiment, at matuto.