Maaari bang magkasal ang mga abogado?
Автор: Angelo Lopez III
Загружено: 2022-06-12
Просмотров: 217
#AbogadoMo with Atty. Angelo Lopez III
Season1- Episode 1
Maaari bang magkasal ang mga abogado?
(1)
Magandang araw po sa inyong lahat.
Ako po si Atty. Angelo Lopez III.
At welcome po sa #AbogadoMo.
(2)
Ang pag uusapan po natin ngayong araw na ito ay maaring simple ngunit napakahalagang usapin.
At ito po ay may kinalaman sa isa sa mga madalas na katanungan na natatanggap po natin bilang isang abogado.
At ito po ay kung, “Maaari bang magkasal ang mga abogado na gaya po natin?”
(3)
Maaari nga bang magkasal ang mga abogado?
Ang sagot po ay hindi maaari.
At ito ay dahil wala pong authority o kapangyarihan ang mga abogado na gaya natin na magkasal.
Hindi po kabilang ang mga abogado sa mga nabigyan ng authority o kapangyarihan ng batas na magkasal.
At ang tinutukoy po nating batas o mga batas ay ang Article 7 of the Family Code of the Philippines at ang Sections 444 and 455 of the Local Government Code of the Philippines.
(4)
Tandaan, mahalaga pong ikasal kayo sa taong nabigyan ng batas ng authority o kapangyarihan na magkasal.
Dahil kung kayo po ay ikinasal sa taong wala nitong nasabing authority o kapangyarihan (gaya ng isang abogado), ang kasal ninyo ay as a general rule walang bisa or void due to the absence of a formal requisite of marriage.
At ito po ay ayon sa Article 3 in relation to Articles 4 and 35 of the Family Code of the Philippines.
(5)
Sa susunod na episode ay ang paguusapan naman po natin ay kung sino-sino ang mga nabigyan ng batas ng authority o kapangyarihan ng batas na magkasal.
Maraming salamat po sa inyong panonood.
At ako po muli si Atty. Angelo Lopez III para sa #AbogadoMo.
oOo
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: