SINANG
Автор: BFE TRIPOR MEDIA
Загружено: 29 дек. 2023 г.
Просмотров: 4 584 просмотра
SI SINANG
Malikhaing Pagsasatao ng Tauhan sa Noli Me Tangere
Bahagi ng gawain sa kursong Pagtuturo ng mga Obra Maestrang Pilipino ang pagsasatao ng mga tauhan sa apat na pangunahing obra maestrang akda sa Panitikang Pilipino, ang Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere, at El Filibusterismo.
Kilalanin ang katauhan ni Sinang mula sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal, sa malikhaing pagsasatao ni Bb. Jan Reign Missy Laquindanum ng Batsilyer sa Edukasyong Pangwika sa Filipino III-4 (PNU-Maynila).
Sinang, anak nina Kapitan Basilio at Kapitana Tika. Matalik na kaibigan ni Maria Clara. Itinuturing na pinakawalang pakialam sa sasabihin ng iba sa lumalabas sa kaniyang bibig. Maaaring sabihing pinaka-liberal subalit maaari ding taklesa lamang. Masayahin ngunit mababanaag ang pagkatatas ng kaniyang dila at pagkapilya sa mga pinagsasasabi.
________
Ang mga iskrip at pagsasaanyo ng bidyo na matutunghayan sa pagsasatao ay orihinal na katha ng malikhaing isipan ng gumanap, halaw sa mga akdang obra maestra.
Samantala, ang mga elemento, musika, mga hiram na pag-aanyo, at iba pang ginamit na materyal sa bidyo ay hindi kinakanya ni inaangkin ng buong pangkat. Kinikilala ang karapatang-ari na taglay ng mga ito.
Walang intensyon na makalabag ng anumang karapatang-ari.
SA PANG-AKADEMIKONG PAGGAMIT LAMANG.
#ObraMaestrangPilipino
#BFEIII4

Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: