It’s Showtime January 14, 2026 | Full Episode
Автор: ABS-CBN It's Showtime
Загружено: 2026-01-19
Просмотров: 455
Hindi mumunti lang ang biyayang natanggap at good vibes na ibinahagi ng mga taga-Muntinlupa na sumabak sa 'Laro Laro Pick' game arena, nitong Miyerkules, January 14 sa "It's Showtime."
'Trip' ni Vice Ganda na gawin ulit ang 'Not Cute Anymore' trend dahil naka-hoodie si player Andre. Para siguradong tama ang shot, siya na mismo ang tumayong cameraman. Nahirapan si Vice sa bigat ng camera. Dahil dito, mas na-appreciate niya ang tabaho ng mga cameramen. At para suklian ang pagod at hirap nila, naisip niyang bigyan sila ng bonus.
Nakilala rin natin si Corz, ang mapagmahal na lola, na nananatiling positibo ang pananaw sa buhay sa kabila ng mapapait na karanasan. Kuwento ni Corz, dati siyang OFW sa Bahrain, pero tumakas siya sa amo dahil siya'y pinagmamalupitan.
Touching din ang kwento ni Yen, na mahal na mahal ang kapatid na si Kristine, na may sakit sa puso. Lahat ay deserving, pero isa lang ang pwedeng umabante sa jackpot round para sa pagkakataong maiuwi ang P150,000 at ito ay si Ding.
Lahat ay deserving, pero isang tubong Muntinlupa lang ang pwedeng umabante sa jackpot round para sa pagkakataong maiuwi ang P150,000 at ito ay si Ding.
"Ding! Ang bato!" pabirong sabi ni Vice Ganda. Kaya nga ba ang pera, naging bato pa? Humanga si Meme sa lawak ng kaalaman ni Ding, isang vulcanizing shop owner. Napansin ni Vice ang pagiging intelihente ni Ding sa simula pa lang ng laro dahil nasasagot nito ang mahihirap na tanong. Dahil dito, nabanggit ni Ding na bagama't high school lang ang inabot niya, nagtapos naman siyang Salutatorian.
Kaya kinutuban si Vice na posibleng masagot ni Ding ang P150k Pot question, na sinugalan naman ng player kahit pa ginawang P50k ni Vice ang Li-Pot offer. 'Yun nga lang, kinapos ang memorya ni Ding nang tanungin tungkol sa sangay ng Matematika na 'Geometry.' Hindi na bale, dahil may regalo naman siya mula kay Vice Ganda, at sa idol niyang si Ogie Alcasid.
Parang puto't dinuguan, perfect 'pag magkasama sa tanghalan ang mga duos na sumalang sa Day 3 ng "TNT Duets 2" weeklong Grand Finals. Sina Ogie, Jonathan Manalo, Nyoy Volante, Erik Santos at Louie Ocampo bilang Punong Hurado ang kumilatis sa mga pares.
Mga bata man sa inyong paningin, pero hindi nagpasindak sina 'Soul Swaggerz' Dylan Genicera at Aericka Castro, na fierce ang atake sa kanilang rendition ng "DAM" by SB19. Humudyat man ng 'gong' ang mga hurado, nakuha pa rin ng batang duo ang respeto ng manonood.
Paliwanag ni Punong Hurado Louie, na nagbilang ng isa, hindi malinis ang performance, at may mga 'off' parts sa harmony at unison. Sabi naman ni hurado Jonathan, na bumilang ng dalawa, "bato lang nang bato" ang pares kaya "marumi" ang kinalabasan. Disagree naman si hurado Ogie, saying, "That was not worthy of a gong," dahil kung siya ang tatanungin, na-enjoy niya ang performance. Sabi nga ni hurado Erik, marahil bibilangan niya pero hindi igo-gong.
Matapos ma-gong ang unang pares, sumunod namang sumalang ang 'Soul Titas' Chin-Chin Abellanosa at Meleena Santos, na buong-pusong inawit ang "That's What Friends Are For." Starting off with the good news, heartwarming para kay hurado Jonathan ang performance, pero dagdag niya, may mga notes na hindi nagha-harmonize kaya nabilangan niya ito nang isang beses. Nakakuha ang 'Soul Titas' ng grado na 92%.
Hollywood ang atake nina Nowi Alpuerto at Isay Olarte a.k.a. "IN-2-U" sa kanilang rendition ng "Oscar Winning Tears." Award-winning nga ang performance, sabi ni hurado Ogie, na tinawag itong "showcase of vocal strength." Sa dulo, nakakuha sila ng markang 94.4% na mas mataas sa 92% ng Soul Titas.
Sina Nowi at Isay ang ikatlong pares na aabante sa Huling Tapatan.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: