Si Moises, si Jesus, at ang Krus 【Church of God, Ahnsahnghong】
Автор: World Mission Society Church of God
Загружено: 2020-02-26
Просмотров: 11383
【Filipino】
[Ang Video na ito ay na-copyright ng World Mission Society Church of God. Ang di-awtorisadong pagkopya at pamamahagi ay ipinagbabawal.]
Ipinakita ng Diyos sa Atin ang Totoong Pagkakakilanlan ng Krus sa Pamamagitan ni Moises
Si Moises at si Jesus ay may relasyon bilang propesiya
at katuparan nito. Nanalo ang mga Israelita sa labanan
sa Rephidim dahil itinaas ni Moises ang mga kamay niya.
Isa itong propesiya na mananalo ang bayan ng Diyos
sa espirituwal na digmaan laban kay Satanas dahil
itinaas si Jesus sa krus.
Nang nakagat ang mga Israelita ng mga makamandag
na ahas at namatay ang marami sa kanila, sinabi ng
Diyos, “Gumawa ka ng isang ahas at ipatong mo sa
isang tikin, at bawat taong nakagat ay mabubuhay
kapag tumingin doon.” Gayunman, nakalimutan
nila ang kapangyarihan ng mga salita ng Diyos
na nagligtas sa kanila at sinamba ang ahas na tanso
sa loob ng mga 800 taon. Bilang resulta, nawasak
silang lahat.
Isa itong anino na nagpapakita na ang mga tao
ngayon ay mawawasak sa pagsamba sa krus,
nakakalimutan ang bagong tipang itinatag ni
Cristo sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo.
Sinusunod ng Church of God ang Halimbawa ng Sinaunang Simbahan
Hindi kalooban ng Diyos na magtayo tayo ng mga krus.
Sa mga sinaunang Kristiyano, ang krus ay wala lang
kundi isang sinumpang puno kung saan ipinako si Jesus.
Deuteronomy 27:15
“ ‘Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inukit
o inanyuan, isang karumaldumal sa PANGINOON na
gawa ng mga kamay ng manggagawa at lihim
na inilagay sa isang dako.’ At ang buong bayan
ay sasagot at magsasabi, ‘Amen.’ ”
〖World Mission Society Church of God〗https://watv.org
〖 Philippines 〗 https://phwmscog.com
〖WATV Media Cast〗 https://watvmedia.org/fil
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: