BPI Foundation | Pagsasanay sa kasanayan: Puso at Buhay ng isang tao
Автор: SiargaoTV
Загружено: 2023-06-22
Просмотров: 105
Matagumpay na nakapagtapos sa kanilang pagsasanay sa kasanayan o skills training ang 98 na benepisyaryo ng BPI Foundation, Inc. at Bayan Academy sa bayan ng @Municipality of General Luna, Surigao del Norte noong Mayo 30, 2023. Ito ay sa tulong narin ng lokal na pamahalaan ng nasabing lugar at TESDA PTC - Siargao Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.
Sa nasabing 98 na nagtapos, 22 nito ang galing sa Basic waitering na tinuruan ng mga magsasanay na maging responsable, matapat at magbigay ng quality service, 28 din nito ay galing sa Bread and Pastry Production na naglalayon na matulungan ang mga benepisyaryo na magtayo ng sariling negosyo o sariling produksyon sa pag-gawa ng tinapay, 28 ang nagtapos rin sa Food Processing na isang skills training na magagamit upang makapag supply ng sapat na pagkain tulad ng mga processed food o makapagtayo ng sariling food production, at sa huli, 20 ang nagtapos ng Small Engine Repair and Change oil na sinasabing mas kailangan sa nasabing lugar dahil ang motor ang isa sa mga ginagamit na pangunahing transportasyon ng mga turista sa isla ng siargao.
Ang nasabing pagtatapos dinaluhan mismo ni Mr. Owen Cammayo, ang executive director ng BPI Foundation Inc. na nagbigay ng pasasalamat sa lahat ng tumulong, sa mga nagtapos at sa lahat ng nasa likod ng matagumpay na pagtatapos, dinaluhan rin ito ni Bayan Academy Chairman at President Prof. Francisco M. Bernardo III na nagbigay ng inspirasyon at payo sa mga bagong nagtapos na maging proud dahil ito ang magiging susi sa kanilang pag-unlad at pagtatagumpay sa buhay at susi na rin sa pag uland ng kanilang bayan. Nagbigay rin ng mensahe ang ina ng bayan ng Heneral Luna na si Mayor Sol Forcadilla Matugas sa mga nagtapos, sinabi nito na maging mapagpasalamat sa lahat ng mga nagbigay tulong at nagbigay ng effort para makapagtapos ang mga benepisyaryo, sinabi rin nito na ang skills training ang puso ng buhay ng isang tao kaya gamitin ito para sa ikabubuti ng bawat isa at ng kanilang bayan. Lubos na nagpapasalamat at nasiyahan rin ang Mayor dahil tinupad ng BPI Foundation at Bayan Academy ang pangako nito na babalik sa siargao para magbigay ng karagdagang tulong at skills training.
Nagbigay rin ng taos pusong pasasalamat si TESDA Region XIII Regional Director Jerry Tizon sa mga benepisyaryo at benefactor dahil isa itong daan para mas pag-ibayuhin pa ng kanilang tanggapan ang pagbibigay ng mga kailangang training at scholarship.
Naging emosyonal rin ang mga piling benepisyaryo dahil isa itong one in a lifetime na oportunidad. Para sa kanila, malaking tagumpay ito na minsan lang mangyari.
Ang BPI Tech-Voc Training Program sa pakikipag tulungan ng BPI Foundation at Bayan Academy, naglalayon na matulungan ang ating mamamayan na nasa laylayan ng lipunan katulad ng mga kabataan, kababaihan, biktima ng kalamidad at mga walang trabaho lalo na ito ay nagsisilbing tulay sa mga employers at mga workers para maipantay o matugunan ang pangagailangan ng industriya sa isang lugar.
#BPIFoundation
#TESDA
#siargao
#bpitechvoc
#BayanAcademy
#BPIFOUNDATION
#BAYANACADEMY
Visit our Social Media Accounts👇👇👇👇
Kumu: https://app.kumu.ph/siargao_tv
Facebook: / siargaotv
Instagram: / siargaotv
Twitter: / siargaotv
Tiktok: / siargaotvofficial
Website: https://siargao.tv/
#siargao
#bestislandinasia
#SIARGAOTV
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: