7 Days with St. Clement | Day 1 - Declaration
Автор: San Clemente Angono
Загружено: 2022-05-14
Просмотров: 275
Sa darating na ika-21 ng Mayo, 2022 nakatakdang hirangin ang ating Parokya bilang Pandiyosesis na Dambana ni San Clemente. Ito ay bunga ng pagsisikap, mga panalangin at pagtitiwala sa Diyos ng mga mananampalataya sa ating bayan.
Upang hirangin bilang isang Pandiyosesis na Dambana ang isang simbahan, ito ay dapat maging isang lugar "kung saan maraming mananampalataya ang naglalakbay para sa isang espesyal o natatanging dahilan ng kabanalan." Kinakailangan ng higit na na malalim na antas sa pagsamba, paghubog ng Kristiyano, at serbisyong panlipunan. Kapag ang mga pangangailangang ito ay natugunan, ang Parokya ay naghahain ng petisyon sa Obispo na kanonikal na itaas ang simbahan bilang Pandiyosesis na Dambana.
Kasabay ng paghirang na ito ay ang pagtatalaga rin kay Rdo. P. Peter Ymari C. Balatbat, ating Kura Paroko bilang unang Rektor ng Dambana.
#SanClementeDambana
#SanClementeAngono
#Antipolensis
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: