₱5.2 bilyon na assets, na-freeze sa imbestigasyon sa umano’y flood control corruption scheme
Автор: Boy Gonzales Vlog
Загружено: 2025-10-23
Просмотров: 19
Umabot na sa ₱5.2 bilyon ang halaga ng mga pondo at ari-ariang na-freeze kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y malawakang katiwalian sa mga flood control project
Ayon kay Anti-Money Laundering Council Executive Director Matthew David, binubuo ng personal at real properties ang mga na-freeze na asset habang hinihintay pa ang karagdagang beripikasyon ng iba pang ari-ariang saklaw ng anim na pre-orders.
Kinumpirma ng mga opisyal na kabilang sa mga iniimbestigahan ang ilang opisyal ng pamahalaan, mga kontratista, at kanilang mga kasabwat na sangkot umano sa katiwalian.
Nakipag-ugnayan na ang AMLC sa Court of Appeals upang magsagawa ng bank inquiry sa mahigit 2,000 bank accounts na konektado sa mga iniimbestigahang indibidwal.
Sinusuri kung nagkaroon ng withdrawal, paglilipat ng pondo, o pagbebenta ng ari-arian bago mailabas ang mga freeze order.
Ayon sa AMLC, ginagamit umano sa mga kasong may kaugnayan sa korapsyon ang iba’t ibang paraan ng money laundering, kabilang ang pagbili ng ari-arian, pagdedeposito o pag-withdraw ng pondo, at pag-iimbak ng pera sa mga pribadong lugar.
Patuloy ang koordinasyon ng AMLC at Philippine Competition Commission sa masusing imbestigasyon upang matukoy ang lawak ng sabwatan at matiyak ang pagbabalik ng pondo ng taumbayan na nakuha sa pamamagitan ng katiwalian.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: