It’s Showtime December 2, 2025 | Full Episode
Автор: ABS-CBN It's Showtime
Загружено: 2025-12-02
Просмотров: 9654
Sa nakalipas na 16 na taon ay naging bukas ang "It's Showtime" stage para sa mga gustong sumikat at mga gustong magpasikat. Kaya naman sa ikalawang araw ng week-long anniversary special ng programa, nagPOPsikat ang ilan sa mga hosts kasama ang pito sa mga paborito nating P-Pop groups.
Itinaas agad ni Darren Espanto ang energy sa studio with his version of "Dungka" by P-pop Kings SB19. Walang patid ang excitement as he passed on the spotlight to VXON. Present din DNA, 162, WRIVE, and G22 to show us what they’ve got. And all the ladies in the studio, kinilig sa performance ng BGYO. Na-surprise naman ang lahat sa debut ng pinakabagong “It’s Showtime” girl group. Isang red hot version ng “Pantropiko” ang regalo nina Kim Chiu, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez at Anne Curtis–the SWT16. Sino ang bias mo? Present din sa studio si BINI member Gwen Apuli para mag-cheer sa buong P-pop community.
It’s the season of giving! Maagang pamasko ang handog ng “It’s Showtime” sa mga typhoon victims mula Isabela, Catanduanes, at Aurora na sumalang sa “Laro Laro Pick.” Ikinuwento nina Joan, Ayen, at Nestor ang nagng karanasan sa gitna ng baha at landslide. Halos lahat sila ay nawalan ng tahanan, at may iba namang nawalan ng mahal sa buhay.
Kuwento ng kabayanihan naman ang bitbit ni Tata sa “Laro Laro Pick” arena. Isa ang pamilya niya sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo. Pero nakakahanga ang kabutihan at tapang ni Tata, na kinalimutan ang sarili at mas inuna ang pagsagip sa isang matandang kapitbahay at mga alagang hayop na nangangailangan ng rescue kaysa isalba ang sariling mga gamit, na kalaunan ay sinira ng baha.
Bukod sa P10,000 na maagang ipinamigay bago magsimula ang games sa “Laro Laro Pick,” umulan pa ng mas maraming papremyo. Ang mga nakarating sa dulo ng laro, nakaipon ng P16,000. Pero ang pinakamalaking swerte ay dumapo kay Banang, ang nakapili ng lucky balloons sa PILImination round.
Sabi ni Banang, kung masaya na siya sa P5,000 ay mas lalo pang malaking tulong ang P300,000 na offer sa Li-Pot. Kaya pinili niya ito kaysa sa P1 million Pot question. Mas bumuhos naman ang luha at saya sa buong studio nang ipamigay ni Vice Ganda ang natitirang P700,000 mula sa P1 million jackpot money. Ang P700,000 ay paghahati-hatian ng remaining players na mga typhoon victims.
#ItsShowtimeOnline
#ItsShowtimeFullEpisode
#ABSCBNEntertainment
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: