Sen. Legarda sa kwento ni Bamban Mayor Guo: Paulit-ulit parang memoryado
Автор: News5Everywhere
Загружено: May 22, 2024
Просмотров: 4,280,948 views
‘LUMAKI PO AKO SA FARM’
‘Yan ang ilang beses na iginiit ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang paulit-ulit na tanungin ni Sen. Loren Legarda tungkol sa kanyang pagkabata.
“Nasa loob po ako ng farm, ‘di po ako pinag-aral ng tatay ko po. Ang nagtuturo po sakin si Teacher Rubilyn po na na-mention ko po nung nakaraang Senate hearing,” ayon sa alkalde.
Sinubukan din siyang pagsalitain ng senador sa Kapampangan ngunit giit ng alkalde, kaunti lamang ang alam niya ukol dito. Maging ang pagsasalita ng Fookien ay ipinasubok din kay Mayor Guo.
“If you’re really Chinese and fronting for other people, go back to your country! But if you are Filipino, and you are born here, convince us,” diretsahan pang saad ni Sen. Legarda.
Ipinagsusumite naman ni Legarda ang alkalde ng ilang larawan ng kanyang pagkabata, pangalan ng mga empleyado at nakasama niya sa farm. Maging si Teacher Rubilyn ay hinahanap din ng senadora. #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
/ news5everywhere
/ news5ph
/ news5everywhere
/ news5everywhere
🌐 https://www.news5.com.ph

Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: