Isikat Natin ang Liwanag ng Luwalhati ng Makalangit na Inang Jerusalem sa Buong Mundo
Автор: World Mission Society Church of God
Загружено: 2017-11-30
Просмотров: 10365
【Filipino】
[Ang Video na ito ay na-copyright ng World Mission Society Church of God. Ang di-awtorisadong pagkopya at pamamahagi ay ipinagbabawal.]
Prinopesiya ni propetang Isaiah na ang liwanag
ng luwalhati ni Jerusalem, ating makalangit
na Ina, ay sisikat sa buong mundo
at na lalapit sa Kanya ang lahat ng bansa.
Sa panahong ito, maliligtas ang mga tao
sa pamamagitan ng mga salita ng buhay mula sa Diyos Ina,
at matutukoy nila ang katotohanan, ang tamang landas,
mula sa maling landas.
Ipinapangaral ng mga miyembro ng Church of God
ang tungkol sa Jerusalem makalangit na Ina
Ipinagmalaki ng mga ninuno ng pananampalataya
sa panahon ng Ama ang tungkol kay Jehovah.
Ipinagmalaki ng mga apostol ng sinaunang Simbahan
sa panahon ng Anak ang tungkol kay Jesus na dumating
sa laman. Gaya nito, dapat nating ipagmalaki ang tungkol
sa Espiritu at Babaing ikakasal, ang Diyos Ama at Diyos Ina
sa panahon ng Espiritu Santo. Ito ay dahil nakadepende
ang kaligtasan sa kapangyarihan ng Diyos, hindi sa mga tao.
Revelation 22:17
Ang Espiritu at ang babaing ikakasal ay nagsasabi,
“Halika.” At ang nakikinig ay magsabi, “Halika.”
At ang nauuhaw ay pumarito, ang may ibig ay
kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.
Ngayon, sa maraming simbahan sa mundo,
walang simbahang tumutupad sa mga propesiya
ng Biblia, nagpapatotoo tungkol sa Diyos Ina,
maliban sa Church of God.
〖Church of God Introduction〗
▶ http://introwmscog.org
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: