Open Deed of Sale: Pwede ba itong notaryohan? | Atty. Angelo Lopez III |
Автор: Angelo Lopez III
Загружено: 2023-07-15
Просмотров: 17837
Open Deed of Sale: Pwede ba itong notaryohan?
Atty. Angelo Lopez III
(1)
Magandang araw at welcome po sa ating Episode ngayon.
Ako po si Atty. Angelo Lopez III at ang paguusapan po natin ngayong araw na ito ay ang isa sa mga madalas na itanong sa atin bilang isang abogado at notaryo publiko tungkol sa dokumento na kilala sa tawag na Open Deed of Sale.
At ito po ay kung: Pwede bang notaryohan ng isang notaryo publiko na gaya po natin ang Open Deed of Sale?
Pero bago po natin ibigay ang sagot sa tanong na ito ay pag-usapan po muna natin kung: Ano ang Deed of Sale?
At kung: Ano ang Open Deed of Sale?
(2)
Ano nga ba ang Deed of Sale?
Ang Deed of Sale ay isang dokumento na kung saan nakasaad ang mga sumusunod na detalye tungkol sa isang Contract of Sale:
(Una)
Ang una ay ang complete name and other personal circumstances of the seller, gaya, halimbawa, ng kanyang citizenship, civil status, complete name of the spouse, if married, complete address, kung siya ay minor or of legal age, and so on;
(Pangalawa)
Ang pangalawa ay ang complete name and other personal circumstances of the buyer, gaya, halimbawa, ng kanyang citizenship, civil status, complete name of the spouse, if married, complete address, kung siya ay minor or of legal age, and so on;
(Pangatlo)
Ang pangatlo ay ang subject matter of the sale, gaya, halimbawa, ng motor vehicle, parcel of land, house and lot, and so on;
(Pang-apat)
Ang pang-apat ay ang agreed price of the subject matter of the sale;
(Pang-lima)
Ang pang-lima ay ang iba pang mga agreed terms and conditions of the contracting parties sa isang Contract of Sale, gaya, halimbawa, ng:
date, time, and place of payment by the buyer to the seller of the agreed price of the subject matter of the sale,
ang mode of payment,
kung ang payment ay in full or on installment basis,
ang date, time, and place of delivery by the seller to the buyer of the subject matter of the sale,
if married, ang consent or conformity of the spouse of the seller to the sale of the subject matter, kung ito ay kabilang sa kanilang conjugal or absolute community properties,
ang mga warranties,
kung sino sa contracting parties ang magiging answerable for the payment of the corresponding expenses, fees, and taxes on the sale of the subject matter,
and so on.
(Pang-anim)
Ang pang-anim ay ang iba pang mga detalye na madalas nating nakikita sa isang Deed of Sale, gaya, halimbawa, ng date and place of its execution and signing by the contracting parties and their witnesses, and so on;
(Pang-pito)
At ang pang-pito naman ay ang iba pang mga detalye tungkol sa isang Contract of Sale na nais ilagay ng mga contracting parties sa Deed of Sale.
(3)
Ngayong napagusapan na po natin kung ano ang Deed of Sale, ang susunod na paguusapan po natin ay kung ano naman ang Open Deed of Sale.
Ano nga ba ang Open Deed of Sale?
Ang Open Deed of Sale ay isang Deed of Sale na kung saan may detalye o mga detalye tungkol sa isang Contract of Sale na iniwan na naka blanko lamang dito.
Ang isang magandang halimbawa ng Open Deed of Sale ay ang isang Deed of Sale na kung saan iniwan na naka blanko lamang ang bahagi nito na nakalaan para sa complete name and other personal circumstances of the buyer as one of the contracting parties.
(4)
Ngayong napagusapan na po natin kung ano ang Deed of Sale at kung ano ang Open Deed of Sale, balikan na po natin ang nauna ng tanong tungkol sa Open Deed of Sale.
At ito po ay kung: Pwede bang notaryohan ng isang notaryo publiko na gaya po natin ang Open Deed of Sale?
Ano nga ba ang sagot sa tanong na ito?
Ang sagot sa tanong na ito ay hindi po.
Hindi pwedeng notaryohan ng isang notaryo publiko ang Open Deed of Sale.
(4.1.)
Bakit hindi pwedeng notaryohan ng isang notaryo publiko ang Open Deed of Sale?
Hindi po pwedeng notaryohan ng isang notaryo publiko ang Open Deed of Sale dahil ito po ay maituturing na isang Incomplete Instrument or Document.
(4.2.)
Bakit maituturing na isang Incomplete Instrument or Document ang Open Deed of Sale?
Maituturing na isang Incomplete Instrument or Document ang Open Deed of Sale, dahil, gaya nga ng nasabi na po natin tungkol dito, may detalye o mga detalye tungkol sa isang Contract of Sale na iniwan na naka blanko lamang dito.
(4.3.)
Para po sa kaalaman ng lahat, ang isang Incomplete Instrument or Document ay kabilang po sa mga tinatawag na Improper Instruments or Documents sa ilalim ng 2004 Rules on Notarial Practice.
(4.4.)
At, ayon po sa Section 6, Rule III of the 2004 Rules on Notarial Practice, ang mga Improper Instruments or Documents, katulad ng isang Incomplete Instrument or Document, na katulad naman ng Open Deed of Sale, ay hindi po pwedeng notaryohan ng isang notaryo publiko na gaya po natin.
(5)
Maraming salamat po sa inyong panonood.
Ako po si Atty. Angelo Lopez III at samahan niyo po ako muli sa ating susunod na Episode.
#LopezLaw
oOo
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: