Ombudsman: “Bend the law” — figure of speech lang
Автор: SMNI Digital
Загружено: 2025-11-20
Просмотров: 23584
Hindi napigilang balikan ni Sen. Rodante Marcoleta ang naging pahayag ni Ombudsman Remulla sa nakaraang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, kung saan nabanggit ang katagang “bend the law.” Mariing tinutulan ito ni Marcoleta at iginiit na hindi dapat magkaroon ng indikasyon ng paglabag o pagbaluktot sa batas.
Sa pagdinig, binigyang-linaw ni Remulla ang kanyang naging pahayag at humingi ng paumanhin. Paliwanag niya, isang “figure of speech” lamang ang katagang “bend the law” at hindi ito nangangahulugang sinusulong niya ang paglabag sa batas.
Hindi rin nakaligtas ang Ombudsman sa isyu ng docketing process, matapos kwestyunin ni Marcoleta ang umano’y kaduda-dudang sistema, partikular dahil kabilang dito ang ilang kaso na may kinalaman kay Justice Secretary Boying Remulla. Giit ng senador, may mga naitalang nawawalang kaso kaya’t kailangan umanong matiyak ang integridad ng proseso.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: