Vice Ganda, hindi handa sa nakuhang ‘Best Actor’ sa MMFF | It's Showtime | January 2, 2025
Автор: ABS-CBN It's Showtime
Загружено: 2026-01-16
Просмотров: 1288
2gether tayong lahat this January 2 sa “It’s Showtime” kung saan tuloy-tuloy lang ang masayang pagsalubong sa Bagong Taon. She’s mothered so well, kaya naman isang big win ang naging finale highlight ng 2025 ni Vice Ganda matapos masungkit ang Best Actor award sa Metro Manila Film Festival 2025 para sa pelikulang “Call Me Mother” na pinagbidahan nila ni Nadine Lustre, at Lucas Andalio na wagi naman bilang Best Child Performer.
Ibinahagi ni ‘Meme’ Vice ang karanasan sa MMFF Gabi ng Parangal, na ginanap nitong December 27. Bakit nga ba hindi inasahan ni Vice ang kanyang panalo? Ikinuwento rin ni Meme na naramdaman niya ang pagiging ‘mother’ sa kanya ng ‘Internet’s President’ na si Nadine, “Parang inanak niya ako,” dahil sa ipinakita nitong suporta. Inilaban ni Nadine ang kanyang ‘ate’ Vice, at ipinanalangin ang panalo nito. Nagpadala rin ng mga mensahe ng pagbati ang pamilya at co-stars ni Vice Ganda.
'Mothering' the stage naman ang ganap ni Fearless Diva, Jona, na naghanda ng special opening number para sa Madlang People.
Ngayong 2026, maghahari ang good vibes! Mga hari't reyna ng Tondo ang nakatanggap ng biyaya sa 'Laro Laro Pick' game arena, kasama sina Showtime hosts Jugs Jugueta, Ion Perez, Darren Espanto at Jackie Gonzaga.
Isa sa mga naglaro ang masahista at parloristang si Lhito. Sa parlor nila, may bago! Hair botox na pala ang uso!
Paninisid ng tahong naman ang hanapbuhay ni James, na nagsimulang magbanat ng buto sa sa edad na 9. Bukod sa paninisid, pinasok na rin niya ang pagtatrabaho sa construction site para makatulong sa amang construction worker din at sa inang labandera. Nagsimula sa dagat, ngayo'y sa lupa, pero ang pangarap niya'y sa himpapawid–maging isang piloto. Pero sa hirap ng buhay, pakiramdam niya'y wala nang pag-asa ang pangarap na ito. Kaya ang next goal ni James ay maging OFW sa Korea. Sa lahat ng mga katulad ni James, ang hiling ni Vice Ganda, at naming lahat, ay bumuhos nawa ang magagandang oportunidad para sa inyo. Sabi nga ni Meme, hindi kasipagan ang kulang sa ibang mga Pilipino, kundi oportunidad.
Ang umabante sa final game ay si Jackie, na bumunot ng pangalan ng isang eliminated player na kanyang makakapareha sa paglalaro. Nabunot ni Jackie si Raymond, delivery rider na may isang anak. Ang pangarap ni Raymond, simple man pakinggan pero kailangan ng matinding pagsisikap. Gusto niyang maiahon ang pamilya sa hirap.
Nagkasundo sina Jackie at Raymond na piliin ang Li-Pot offer na P25,000. Upang madagdagan ang papremyo, magiging P30,000 ang iuuwi ni Raymond kung masasagot nito ang P150k POT question tungkol sa probinsya kung saan ipinagdiriwang ang Moriones Festival. Good decision ang pagpili nila sa Li-Pot!
January 2 marks the 10th year of 'Tawag Ng Tanghalan' on 'It's Showtime.' Kaya abangan ang nalalapit na pagsisimula ng TNT Year 10.
Pero bago 'yan, tuloy-tuloy pa rin ang paglaban ng mga duos sa 'TNT Duets 2.' Unang sumalang sa entablado ang HUNI-fied duo nina Hyacinth Granderos at Eujan Arda na binigyan ng magic ang kantang "Mahika." Kung ramdam n'yong kilig is real, 'yan ay dahil crush daw talaga ni Eujan si Hyacinth. Komento ni Punong Hurado Louie Ocampo, maganda ang youthful vibe ng duo pero shaky ang simula ng kanta. Gayunpaman, kapansin-pansin ang magical chemistry ng dalawa.
Pati mga elemento ay mapapahinto sa feels na hatid nina Jayper Palma at Kyle Ralvin a.k.a. Friends Zone, singing Juan Karlos' "Demonyo." Kung curious kayo sa pangalan ng kanilang duo, ang kuwento, bet daw ni Jayper si Kyle noon pero siya’y na-'friendzone.' Interesting kung ilarawan ni hurado Jed Madela ang pagtatanghal. Iisa ang opinyon nila ni Maestro Louie tungkol sa ‘duet’ part ng performance. Pero, nag-disagree si hurado JM Yosures, na ipinunto ang magandang 'contrast' ng dalawang mang-aawit.
Pagkatapos ng intense hurados’ discussion, itinanghal na daily winner ang HUNI-fied duo sa score na 92%, laban sa 91% ng Friends Zone.
#ItsShowtimeOnline
#ItsShowtimeFullEpisode
#ABSCBNEntertainment
#ShowtimeTogetherSa2026
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: