PACO MANILA PUBLIC MARKET | Ang Daming Isda sa Palengke!
Автор: Careless Wanderer
Загружено: 2025-08-10
Просмотров: 433
🌊🛍️ Grabe, sobrang saya sa Paco Manila Public Market ngayong umaga! Maaga pa lang, punong puno na ng tao at parang fiesta sa palengke. Ang daming sariwang huli tulad ng tilapia, bangus, galunggong, tulingan, lapu lapu, tanigue at kung ano ano pa. Amoy pa lang ng fresh seafood, mapapabili ka na!
Ang saya ng mga nagtitinda, super friendly at mahilig makipagkuwentuhan. Yung iba, nag aalok pa ng tawad kahit di mo pa hinihingi. Habang nag iikot ako, may nakita akong nagbebenta ng eel o igat. Sabi ko, “Uy, bihira ‘to sa Maynila!” Kaya syempre, hindi ko pinalampas.
At kung sa tingin mo mura na sa loob ng palengke, hintayin mong makita yung nasa labas. Mas mura pa at same quality ang freshness! Para ka lang nag treasure hunt ng pinakasulit na isda.
Talagang kakaibang experience ang Paco Public Market. Maingay, makulay, masikip pero punong puno ng energy at good vibes. Kung mahilig ka sa murang isda at gusto mong makita ang totoong buhay palengke, tara at samahan mo akong mag ikot dito.
📍 Location: Paco Manila Public Market
⏰ Tip: Pumunta ng maaga para makuha ang pinakamura at pinaka fresh na huli ng araw!
#PacoManilaPublicMarket #PalengkeVlog #MurangIsda #WetMarketPH #Tilapia #Bangus #Galunggong #Tulingan #LapuLapu #Tanigue #SeafoodPH #FreshIsda #PalengkeSaMaynila #IsdaSaPalengke #PacoMarket #Eel #Igat #SeafoodVlog #PalengkeTour
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: