KAPITOLYO NEWS PLATE DISTRIBUTION
Автор: Camarines Norte Provincial Information Office
Загружено: 2025-07-14
Просмотров: 204
Sa pangunguna ng Land Transportation Office (LTO) Region V, sinimulan ngayong araw ang Plate Distribution Mall Caravan sa SM City Daet Event Center. Tatagal ito mula July 14 hanggang July 17, 2025, mula 10:00 AM hanggang 4:00 PM.
Ang caravan ay para sa mga motorcycle plate backlogs mula 2017 pababa, mga lumang motorcycle plates, at mga motorcycle plates na may 7-character digit. Tanging mga Motor Vehicle File Number na nagsisimula sa "05" ang sakop sa panahong ito.
Mga kailangang dalhin sa pag-claim ng plaka:
1. Dalawang kopya ng Official Receipt at Certificate of Registration (OR/CR)
2. Valid ID ng rehistradong may-ari
3. Authorization letter (kung kinatawan ang kukuha)
4. Valid ID ng kinatawan
Layunin ng programang ito na ilapit ang serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga malls upang maging distribution centers, mapabilis ang proseso ng pamamahagi, at maiwasan ang pagsisiksikan sa mga opisina ng LTO.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa numerong ito 0907 660 9225.
#AlaysaDiyosAlaysaBayan
#Fortheloveofourcountry
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: