🔴 MERON PA KAYANG ALIVE SA MGA KAAWAY NI DAKING? SIGE NGA TIGNAN NATEN...
Автор: Dalton Channel
Загружено: 2020-07-20
Просмотров: 513200
🚩 𝙒𝙚𝙡𝙘𝙤𝙢𝙚 𝙩𝙤 🅳🅰🅻🆃🅾🅽 🅲🅷🅰🅽🅽🅴🅻 ❗️
𝕋𝕆ℙ𝕀ℂ: Ang pag-uusapan naman natin ngayon, ’tol, ay ang mga paborito at suking kontrabida sa mga pelikula ni FPJ. Sila ang mga artistang paulit-ulit mong nakikita sa pelikula—pamilyar na pamilyar ang mukha, pero madalas ay hindi mo agad alam ang kanilang screen name. Mas nauuna mo pang makilala ang kanilang itsura, at saka mo na lang malalaman ang pangalan paglipas ng panahon.
At kung naligaw ka man dito sa description, ’tol—eh di consider subscribing. 😉
Ernie Ortega
Rene Hawkins
Bomber Moran
Tony Carreon
Roi Vinzon
Charlie Davao
Vic Diaz
---------------------------------------------------------------------------------------------------
#daltonlist #pinoycelebs #listahannidalton #fpj #kingofactionmovies
“Kilala siya sa mga eksenang may kinalaman sa martial arts at samurai. Nakakatakot nga, ’tol, dahil madalas natin siyang nakikitang humahabol habang may hawak na itak o espada. Siya ay si Ernie Ortega, na kinilala bilang isa sa mga mahusay at epektibong kontrabida sa pelikulang Pilipino.
Nakasama rin natin siyang mapanood sa pelikula ni Da King FPJ na Alyas Lakay noong 1991. Hindi lang lokal—ipinamalas din ni Idol Ernie ang kanyang galing sa mga international films. Alam n’yo ba, ’tol, na minsan na rin siyang nakasama ni Bruce Lee sa Bruce and the Shaolin Bronzemen noong 1977? Nakatrabaho rin niya si Chuck Norris sa Missing in Action bilang si Vinh, at lumabas din siya sa Ninja Kids and Samurai Sword noong 1986 bilang isang master.
Kung hindi mo pa naitatanong, ’tol—si Idol Ernie ay isang tunay na Samurai Sword expert. Kaya hindi na nakapagtataka ang husay niya sa paghawak ng espada sa pelikula.”
“Bukod kina Diaz Brothers, Max Alvarado, at Dencio Padilla, isa rin siya sa mga madalas gumanap bilang kontrabida sa pelikula ni Da King FPJ—si Rene Domingo Hawkins Sr., o mas kilala bilang Rene Hawkins.
Balikan natin ang ilan sa mga eksena niya kasama si Da King: Ang Pangalan: Mediavillo (1974), Andalucia (1975), Isang Bala Ka Lang (1983), Alyas Lakay (1991), Dito sa Pitong Gatang (1992), at Anay sa Departamento.
Nakakamiss ang ganitong mga eksena—yung akala mo kakampi ng bida, pero biglang lalabas na kontrabida pala. Aminin natin, ’tol—epektibo talaga siya bilang kontrabida. Pero sa totoong buhay, kabaligtaran ng kanyang mga ginampanan, siya ay isang mapagmahal na asawa kay Norma Dela Cruz at ama ng tatlong anak na sina Cristina, Ralph Hawkins III, at Rene “Bong” Hawkins—na dating PBA player at ngayon ay coach ng UP Fighting Maroons.”
“Isa pa sa mga mortal na kaaway ni Da King FPJ sa pelikula ay si Arturo Ocampo, na mas kilala bilang Bomber Moran. Siya ang tinaguriang ‘Mean Tough Guy’ ng pelikulang Pilipino—pero bakit nga ba? Balikan natin ang ilan sa kanyang mga pelikula: Partida (1985), Batang Quiapo (1986), Ang Syota Kong Balikbayan (1996), Alyas Pogi: Birador ng Nueva Ecija (1990), at Goosebuster (1991).
Oh, ’tol—bagay ba ang bansag sa kanya? Sa kabila ng kanyang tapang sa pelikula, siya ay kilalang masiyahin at mapagmahal na asawa kay Erlinda Ocampo at ama nina Ramon at Sarah. Nakagawa siya ng mahigit 400 pelikula, kaya’t lubos ang lungkot ng lahat nang siya’y pumanaw noong Agosto 14, 2004 sa San Francisco, California dahil sa cancer.”
“Pansin ko lang, ’tol—isa siya sa mga kontrabidang madaling tandaan. Paano ba naman, kadalasan ay mayamang lalaki ang ginagampanan, o kaya’y laging may hawak na tabako. Hindi ka ba naniniwala? Balikan natin ang ilan sa kanyang pelikula: The Crazy Professor (1985), Omeng Satanasia (1977), at Sarah… Ang Munting Prinsesa (1995).
Madalas din siyang makasama ni Da King sa mga pelikulang Ang Lalaki ang Alamat, Ang Baril (1978), Sigaw ng Katarungan (1984), at Ang Dalubhasa (2000). Sa kasamaang-palad, siya ay pumanaw noong Mayo 27, 2003 sa edad na 76 dahil sa atake sa puso.”
“Isang tingin at isang ngiti pa lang—ramdam mo na ang kasamaan. Iyan si Vic Diaz, isa sa mga pinakaepektibong kontrabida sa pelikulang Pilipino, lokal man o international. Tinagurian pa siyang ‘Peter Lorre ng Pilipinas’—at tingnan nga natin kung karapat-dapat ba ang bansag na ’yan.
Maraming beses din natin siyang napanood kasama ni Da King FPJ sa mga pelikulang Totoy Bato (1977), Patayin si Mediavillo (1978), at Ang Lihim ng Guadalupe (1979). Lumabas din siya sa mga international films tulad ng The Big Bird Cage, Black Mama, White Mama, at Beast of the Yellow Night ni Eddie Romero.”
Luh, talagang binasa mo to? wow sipag mo naman gusto kitang maging subscriber. Ang mga tipong kagaya mo ang gusto ko! Thanks for subscribing! Happy New Year sa'yo my friend! :-) [Today is January 13, 2026, Tuesday @ 6:10 PM ]
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: