GAANO KABAGSIK SI ISNILON HAPILON?
Автор: Utol Ford
Загружено: 2025-11-22
Просмотров: 1347109
Tol ang taong ito ang nagpapatunay na hindi talaga biro at matinding hirap ang kinaharap ng militar ng Pilipinas sa mga operasyon dahil sa kaniyang kabagsikan. Bago siya naging “emir” ng ISIS sa Southeast Asia, bago siya pag-usapan sa Pentagon, sa FBI at sa anumang kampo militar sa Mindanao, isa lang siyang payat na batang Muslim sa liblib na bayan ng Basilan—anak ng isang imam, hindi magaling sa paaralan, at halos walang ideya na balang araw, mismong pangalan niya ang magiging simbolo ng takot sa buong bansa. Sa mundong ginagalawan ni Isnilon Hapilon, maaga niyang nakilala ang tunog ng putok kaysa tunog ng kampana sa graduation; mas nauna niyang nasuotan ang combat boots kaysa toga. Sa rurok ng kapangyarihan niya, hindi na siya ordinaryong kumander ng Abu Sayyaf. Siya na ang utak sa likod ng mga pagdukot na umabot sa international news—mga turistang dinukot, at mga Kristyanong dayuhan at Pilipino na p1nugut4n ng ulo. Habang tumataas ang reward sa ulo niya sa Amerika—milyon-milyong dolyar—parang mas lalo pa siyang lumulubog sa kagubatan ng Basilan, mailap, hindi mahuli-huli, para bang kalaban na hindi kayang abutin ng batas. At nung yakapin niya ang bandila ng ISIS, doon na nag-iba ang antas. Hindi na lang siya bandido na naghahanap ng ransom; naging “emir” siya—kinilalang lider ng ISIS sa Pilipinas, sinasandalan ng mga armado mula Basilan, Sulu, Lanao, pati na mga dayuhang jihadist na dumadayo sa Mindanao para sumama sa kanya. Siya ang pinagkakatiwalan ng ISIS na mamuno ng Islamic State sa buong Pilipinas at sa buong Timog-Silangang Asya. Magmula sa likod ng mga puno at bundok ng Basilan, hanggang sa guho at abo ng Marawi, iisa ang tanong ng marami: Paano umabot sa ganito ang isang taong nagsimula lang bilang payat na binata sa liblib na baryo—at naging simbolo ng pinakamatinding kilabot ng terorismo sa Pilipinas?
Noong kalagitnaan ng dekada '80, sumapi si Isnilon Hapilon sa Moro National Liberation Front (MNLF) – ang pangunahing kilusan noon ng mga rebeldeng Moro na lumalaban para sa sariling pamamahala sa Mindanao. Taong 1985 nang umanib siya sa MNLF at nakisalamuha sa mga operasyong rebelde sa pagitan ng mga isla ng Sulu at Basilan. Sa panahong ito, pinagpatuloy ni Isnilon ang pag-aaral ng Arabic at pagpasok sa madrasa upang palalimin ang kaalamang pang-relihiyon. Dahil sa kanyang sipag, naging tagapagsalita pa siya ni Commander Barahama Sali, isang kilalang pinuno ng MNLF, bandang 1992. Subalit hindi nagtagal ay kinaharap ng MNLF ang malalaking pagbabago. Nagkrus ang landas ni Isnilon at ni Abdurajak Abubakar Janjalani, ang dating MNLF fighter at AfghanWar Veteran na nagsimula nang magrekrut ng mga mas radikal na kasapi. Si Janjalani ay bumubuo ng bagong pangkat na mas radikal pa kaysa MNLF, sapagkat dismayado sila sa direksyon ng MNLF na kalauna’y makikipag-peace agreement lamang sa gobyerno. Ninais ni Janjalani at ng kanyang mga tagasunod na magtatag ng isang malayang Islamic state imbes na tanggapin lamang ang awtonomiya na inalok sa MNLF. Ang pangkat na ito ang magiging Abu Sayyaf Group (ASG).
True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: