Paalam (Parody) | Moira Dela Torre ft. Ben&Ben | Mikha Bernardo
Автор: Mikha Bernardo
Загружено: 2025-07-27
Просмотров: 416
Ang video na ito ay nilikha para sa aking proyekto sa Soc Sci 1. Ito ay hango sa talumpati ni Van Anghelito Llamelo sa kanyang pagtatapos ng kolehiyo. Ang mga titik mula sa kantang "Paalam" nila Moira at Ben&Ben ay pinalitan upang magawa ang parody na ito. Ito ay tugon para sa sistemang pumapabor lang sa may kaya at may pribilehiyo—kung kaya't ang iba, lalo na ang kabataan na nasa laylayan, ay labis ka kumakayod para lamang makamit ang edukasyon na dapat ay karapatan na tinataglay ng lahat.
Ang edukasyon, bilang karapatang dapat para sa lahat, ay nananatiling para lamang sa may kaya. Kaya’t sa kabila ng tagumpay ng iilan, libo-libong estudyante ang nawawalay—sa sarili, sa pamilya, sa lipunan. Gaya ng sinabi ni Mx. Llamelo, “manaig sa atin ang pagkamuhi sa kasalukuyang sistemang pumapabor lang sa iilan upang sa gayon ay patuloy tayong maghangad at lumaban para sa isang kinabukasan kung saan ang kakayahan na makapagtapos ng pag-aaral ay may katiyakan.”
Lahat ay may karapatan maabot ang pwesto kung nasaan ang mga nakatataas. Ang pag-asa ay hindi lamang dapat abot kamay na rekurso ng mayayaman, kundi ng lahat. Lahat ay may karapatan na makapagtapos nang hindi kailangang ubusin at sagarin ang sarili.
Ang mga kwentong kahanga-hanga ng pagtatapos ay hindi dapat manatili bilang inspirasyon lamang. Ang katotohanang kailangan pa itong ipagdiwang ay patunay na hindi ito normal, na ang pagtatapos ay hindi abot-kamay ng lahat. Ang mga ito’y paalala ng mga pag-asang nawala, ngunit muling binuhay ng kabataang lumaban.
Sa dulo, kahit hindi na "ipaalam" ng mga nakatataas ang mga elitistang mekanismo ng lipunan, lalabas at lalabas ang katotohanan. Ang pag-asa at karapatan ay hindi nabibili—ito'y taglay na dapat ng lahat.
facebook: www.facebook.com/bernardomikha
instagram: www.instagram.com/bernardomikha
email: bernardo.mikhaella@gmail.com
#mikha
#mikhabernardo
#paalam
#moiradelatorre
#benandben
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: