Ang bagay na pinagsisisihan ni billiards legend Efren 'Bata' Reyes | Tao Po
Автор: ABS-CBN News
Загружено: 2025-11-25
Просмотров: 98825
Nakamit man ang tagumpay sa paglalaro ng bilyar, para kay billiards legend Efren Bata Reyes, sa edukasyon naman siya natalo.
Napilitang mag-drop out si Efren noon dahil sa matagal na pagliban sa klase para dumayo ng laro.
"Ayaw na ako papasukin sa eskwelahan. Natutulog lang daw ako doon. Alas-7 ng umaga nasa eskwela na ako. Alas-3 ng hapon, meron na nakaabang sa 'kin sa labas. 'Yung mga manager na dadayo kami kung saan saan. Matatapos kami, madaling araw, ihatid na ako sa eskwelahan. Umpisa na naman klase, tulog lang ako."
Hanggang ngayon malaki ang panghihinayang ni Efren na hindi siya nakapagtapos dahil para sa kanya, mahalagang sandata ang edukasyon sa mga hamon ng pang-araw araw na buhay.
"Nagsisi pa rin dahil kailangan talaga 'yun. Siyempre, mas maganda may pinag-aaralan ka para kahit saan ka pumunta, kayang-kaya mo ang sarili mo."
Kaya malaki ang kanyang pasasalamat na nakamit ng mga anak ang hindi niya nagawa — ang makakuha ng diploma.
Sa kabilang banda naman, iba-ibang prestihiyosong titulo sa mundo ng pagbibilyar ang hinakot ni Efren sa limang dekada niyang paglalaro.
Patuloy rin siyang nakikihalubilo sa komunidad na humubog sa kanya simula pagkabata para maipasa sa mga bagong henerasyon ng manlalaro ang tunay na disiplina sa billiard.
"Bilyar ang may gusto sa 'kin eh. Kaya lagi ako nandon. Miski ayaw ko na, gusto ng bilyar, bumalik ako." -- Ulat ni Bernadette Sembrano para sa programang Tao Po. (October 4, 2025)
Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito.
For more Tao Po videos, click the link below:
• Tao Po
For more My Puhunan: Kaya Mo! videos, click the link below:
/ playlist list=PLgyY1WylJUmjJk2miiYrWnq15JWz2E5hL
For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below:
• The latest news and analysis from ABS-CBN ...
Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews
Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com
Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: / abscbnnews
Twitter: / abscbnnews
Instagram: / abscbnnews
#TaoPo
#EfrenBataReyes
#ABSCBNNews
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: