PRESYO NG PRUTAS SA CABANATUAN, STABLE PA RIN HABANG PAPALAPIT ANG PASKO | TV48 STATION
Автор: TV48 Station
Загружено: 2025-12-11
Просмотров: 31
PRESYO NG PRUTAS SA CABANATUAN, STABLE PA RIN HABANG PAPALAPIT ANG PASKO
Sa presyong palengke, sinubukan nating alamin ang pinakabagong presyo ng iba’t ibang klase ng prutas na pinaghahandaan ng mga Pinoy para sa handa sa Pasko kasama ang buong pamilya.
Dahil ilang tulog na lang ay Kapaskuhan na, inaasahan na ang posibilidad ng pagtaas ng presyo ng ilang bilihin, lalo na ng mga prutas.
Sa Monique Fruit Stand sa Talipapa, Barangay Mabini Homesite, Cabanatuan City, katabi ng Fuel Star Gasoline Station, nananatiling walang galaw ang presyo ng kanilang panindang local at imported fruits. Kabilang dito ang mga prutas na mula pa sa Davao, Baler, at Talavera, Nueva Ecija.
Ayon kay Monique, nasa P90–P120 ang kada piraso ng Pakwan Seminis na kulay dilaw.
Samantala, naglalaro sa P300, P150 at P100 ang kada piraso ng native na pakwan depende sa laki.
Ang Piña ay nasa P180–P150, Longgan ay P220 kada kilo, at Persimon ay P60–P50 bawat piraso.
Nasa P180 per kilo ang Strawberry, P200–P150 ang Suhang Davao, at P70 naman ang per/kilo ng papaya, bukod pa sa iba pang prutas sa kanyang tindahan.
Napag-alaman pa kay Monique, na malaki ang posibilidad na tumaas ang presyo itong paparating na kapaskuhan.
Bukas aniya ang kanilang pwesto simula 5:30 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.
#balitangunangsigaw
#tv48station
#nuevaecija
#news
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: