PROJECT1M - Ako si Chester
Автор: THE CHICHESTER
Загружено: 2024-08-10
Просмотров: 3658
Kabataan,
Ikaw ang pag~asa ng bansa natin, tagapagpatuloy ng lahing matikas, tagapag mana ng buong Pilipinas.
Sa isang panahong halos lahat ng influencer mo sinasabing sayang ang oras sa pag aaral, at wag ka ng magtapos ng eskwela ~ Mapansin mo sanang pinapab0b0 ka nila para pamahalaan ng mga anak nilang pinagtapos nila sa mga eskwelahang hindi biro ang halaga!
Wag kang maniniwala sa mga influencers na pinapalabas na pag mas b0b0 ka, mas malayo ang mararating mo sa buhay.
Talinuhan mo, wag mong tanggihan ang karunungan ~ Pag matalino ka: Magkakamal ka ng hindi birong dami ng salapi, kapangyarihan at kasikatan.
___________________________________
Mga Magulang,
Ingatan ninyo ung mga anak ninyo, sila ang susunod na lahi natin, tagapag tuloy ng nasimulan ng mga bayani nating ang mga dugo ay tuyo na sa lupa.
Wag mong hayaang ang mga anak mo e nakikinig at bulag na taga sunod ng mga influencers at vloggers na gag0, sira ang ulo, masasamang kahayupan ang impluwensya sa kabataan!
Pinipilit nilang sirain ung kinabukasan ng susunod na lahi natin para sa kasikatan, para sa kapangyarihan, para sa pera.
Ikaw sana magulang ang unang magpaka talino, mag sumikap, magpaka bihasa ~ Pinanonood ka ng anak mo, ginagaya ka ng anak mo, ung layo ng mararating nya, nakadepende sa lahat kilos ng mga labi, kamay at paa mo.
Kung ano ang puno, siya ang bunga.
Mata sa langit, paa sa lupa!
Pilipinas, mahal na mahal kita!
Ang iyong tapat na basurero,
Project1M By The Chichester
🫡🫂🇵🇭🇵🇭🇵🇭
MABUHAY ANG PILIPINAS!
#Project1M
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: