At Your Service: Pinay Stories Come Alive in “Moudifa: The Musical”!
Автор: Letters and Music
Загружено: 2025-11-18
Просмотров: 14
Matagumpay na naidaos ng Mabuhay PH Digital Network ang “Moudifa: The Musical”! Ang salitang “moudifa” ay nangangahulugang “service woman” o “attendant.” Ang musical na ito ay hango sa best-selling book na “Moudifa!: Culture Shock From the Top,” isinulat ni Margarita Marquis sa pakikipagtulungan kay Marianne Mazars—isang memoir na naglalahad ng mga totoong karanasan sa ibang bansa.
Isinasalaysay ng musical ang buhay at sakripisyo ng bawat Filipina na patuloy na naglilingkod, nagsasakripisyo, at lumilipad lampas sa mga hangganan—isang pagpupugay sa kanilang katatagan, tapang, at walang kapantay na pagmamahal.
Ginawa ito nang may pagmamahal, kaya umaasa ang grupo na magkaroon ng mga sponsor o producer na tutulong upang maging isang full musical play ang nasabing obra. Ayon sa direktor, “Kung sa ibang bansa ay may Miss Saigon at iba pa… bakit hindi rin tayo magkaroon ng sarili nating musical play?”
Ang ganitong mga dula ay hindi lamang nagdiriwang ng sining ng mga Pilipino, kundi nagbibigay-daan din sa mga umuusbong na artista, musikero, at performer upang makapasok sa pandaigdigang entablado.
Higit pa rito, hindi lang ito tungkol sa empowerment—sinusuportahan din ng produksyon ang mga adbokasiya gaya ng Mother and Child Foundation.
Tunay ngang patuloy na lumilipad ang musika at sining sa Pilipinas!
======
Letters and Music is a one-hour, live TV show that will make your evening a relaxing one. The program strongly supports OPM.
#LettersAndMusic #NET25
Connect with us on:
Latest global reports, balanced, up-to-date. It brings to fore EBC's rich international scope.
Visit our website at: http://net25.tv/letters-and-music/
Follow us on Twitter at: / letterandmusic1
Like us on Facebook: / lettersandmusic
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: