Our Gift to Nanay - Happy 18th Birthday Nay Rara!! (The Yey Project)
Автор: Beverly Kaye
Загружено: 2012-06-24
Просмотров: 934
wOah!! 18 ka na nay!! ANG TANDA MO NA!! (makapagsabi e noh? XD)
Ayon, HAPPY 18TH BIRTHDAY sa napakadakilang gala ng Yey Family, Nay Rarah!! :D
Dahil wala talaga akong maisip na iregalo sayo, nay, ito lang ang naisip ko.. Pero hindi talaga ito 'yon e:
Ang naisip ko kasi, gagawa ako ng cover.. tapos PiniM ako ni Jon sa facebook nung mga panahong nag-uusap din tayo at nagtatalo sa kung anong ireregalo ko sayo.. so naisip namin na gumawa na lang kami ng cover para iregalo namin sayo.. tapos naisip din namin na magbigay na lang ng message 'yong iba naming kapatid at pamangkin para naman may contribution sila.. so regalo na naming lahat 'yon.. PERO hindi ko alam kung ano ang nangyari nung Thursday, June 21, 2012, na dapat ay magshu-shoot kami ng mga messages nila at kakanta na nga kami dapat.. Bigla na lang na kunwari ganto-ganyan na lang.. XD ... e dahil creative naman ang lahi natin, ito na nga ung kinalabasan ng regalo namin sayo. :)
About sa video:
Mahangin diba? Pasensya naman, ganyan talaga sa SG. XD
Si Solenn, oo, nandun daw kasi si Solenn nung mga panahong 'yon. Nagulat kasi kami habang nagte-tape kami e bigla na lang may suigaw na ale, "Magpapicture kayo! Nandun si Solenn!!" .. e di naman namin nakita!! (ito ung mga panahong nag-hang ung phone ko at namatay)
Tama, nag-hang nga ung phone ko, at kinailangan naming iretake 'yong mas nakakatawa sanang video coverage ng tsismisan nila.. XD
Audio quality, ay, basta, di ako may kasalanan, ung laptop ko! XD
Video editing, di ako bihasa dito e.. pero sana talaga, nay, na-appreciate mo! :)
Sa isang sem na nakasama ko ang Yey Family, iba agad ang impact sa akin e. Diba? Nagpost pa ako sa group na parang ewan na drama-drama pa. Nun ko lang 'yon ginawa sa mga taong di ko pa nakakasama ng at least 1 year. Ewan ko kung anong meron sa group natin na parang kapag may something na nangyari, apektadong-apektado ako. Parang nung kay Akeen, tapos sinundan pa nung kay Nanay, grabe pagluluksa ko nun. Bukambibig ko 'yon dito sa bahay at sa mga posts ko na, "Ang hirap naman sa course na 'to, di mo alam kung sino mag-istay or kung sino matatanggal. Mas masakit pa kapag napalapit na sayo 'yong mga taong matatanggal. Kahit pa sabihin na parehas pa rin kayo ng school at building, iba pa rin 'yong bonding sa classroom. 'Yong nag-uusap kayo kapag walang prof, nag-aasaran, 'yong sabay-sabay kumakain kapag break, lalo na ung may taga-chit.. (joke lungs. XD)" .. Pero, basta, diba?! Kayo na bahala umintindi sa mga pinagtata-type ko dito.. Matalino naman ang lahi natin! :)
so, NAY, YEY, Ingat always sa atin at STAY HAPPY!! :D
bEvsKiez n_n
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: