Mula sa Simula ABA YAHAWAH
Автор: Harkavah's Boize
Загружено: 2025-12-10
Просмотров: 1646
(Intro: Piano instrumental)
(verse1)
Ganap na nga ang propesiya,
Na isinulat ni Propeta Isaiah,
Hindi man maarok ng karamihan
Isinadiwa ng naghahanap at nakakaalam....
(verse2)
Nakaharang ang mga aral ng relihiyon
Sa diwa ng tao na sa idolo nalulong
Hindi pa rin mapipigilan ang nakatakda
Bagkus ginanap ang salitang pagpapalaya
(refrain)
Hindi mo nilimot kailanman ABA YAHAWAH
Pinahalagahan mo ang bawat mong salita......
(chorus)
Mula sa umpisa ay aming nalaman ang lahat
Ito ay nakabakas sa kasaysayang nakasulat,
Kahit ito ay itinago at kami'y kanilang binulag
Hindi kami naubos, ang Tipan sa dugo nami'y nababanaag......
(instrumental)
(verse3)
Sa aming panahon mo ginanap ang Iyong kalooban
Sa likod ng pagkakasala wala kamin kaalam alam
Sapagkat ikaw ang nagtakda nito sa Iyong mga hinirang
Amin itong yayakapin at muling pahahalagahan
(refrain)
Hindi mo nilimot kailanman ABA YAHAWAH
Pinahalagahan mo ang bawat mong salita......
(chorus)
Mula sa umpisa ay aming nalaman ang lahat
Ito ay nakabakas sa kasaysayang nakasulat,
Kahit ito ay itinago at kami'y kanilang binulag
Hindi kami naubos, ang Tipan sa dugo nami'y nababanaag......
(instrumental)
(verse3)
Muling uusbong sa Silangan ang IYONG banal na pangalan
Sa mga bagong himig na di pa narinig kami'y mag aawitan
Itinanghal kang Hari ng lahat at Ikaw ay pinapurihan
Upang kilalanin ng buong mundo at ika'y masamba't maparangalan.
(bridge)
Ang buhay at kalagayan naming hindi maarok,
Ngayon ay alam na namin..... ang dahilan
(refrain)
Hindi mo nilimot kailanman ABA YAHAWAH
Pinahalagahan mo ang bawat mong salita......
(chorus)
Mula sa umpisa ay aming nalaman ang lahat
Ito ay nakabakas sa kasaysayang nakasulat,
Kahit ito ay itinago at kami'y kanilang binulag
Hindi kami naubos, ang Tipan sa dugo nami'y nababanaag......
Papupurihan..... luwalhatiin......sasambahin ka... Ang aming Hari....ABA YAHAWAH.......
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: