Ready for you next life? 4 Na Paghahanda Na Hindi mo Dapat Balewalain
Автор: WOTG - Word On The Go
Загружено: 2023-09-10
Просмотров: 36923
Kaibigan naniniwala ka ba na ang buhay ay maikli? Na ang panahon para maghanda para sa susunod na buhay ay ngayon na? Bakit kasi hindi natin alam ang mangyayari kinabukasan. Ang buhay ay pwedeng magbago sa isang iglap lang. Yung inaakala nating bagay na normal ngayon ay pwedeng bukas hindi na. Araw-araw may naririnig tayong sakuna, bagong uri ng karamdaman, bagong digmaan ng mga iba't ibang bansa, nababalitaan din natin na may mga tao tayong kilala na bata pa malakas pa pero bigla nalang pumapanaw. Kaya nga kaibigan dapat nating alalahanin na ang buhay natin dito sa lupa ay paghahanda para sa eternity sabi sa
Eclesiastes 3:11 Ang Biblia, 2001
11 "...inilagay rin niya ang walang hanggan sa isipan ng tao, "
Deep inside of us ay alam natin na merong susunod na buhay, hinahanap natin ito, hindi nga lang natin maintindihan, bakit parang may kulang, kasi meron tayong longing sa isang bagay. Bakit kasi hindi ito ang totoong tahanan natin. Kaya nga sa talata sabi dyan ay inilagay ng Diyos ang buhay na walang hanggan sa ating isipan.
Ibig sabihin ginawa ka ng Diyos para sa walang hanggan. Pagkatapos mamatay ng ating pisikal na katawan dito sa lupa ay lilipat lang tayo sa susunod na buhay.
Ayon sa Biblia ay dalawang lugar lang ang pwede nating destinasyon, sa langit na kasama ang Diyos o sa naglalagablab na asupre na hiwalay sa Diyos.
sabi sa Mga Hebreo 9:27 Ang Biblia, 2001
27 At yamang itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom,
ayon dito ay pagkatapos nating mamatay ay paghuhukom ang kasunod na ang ibig sabihin ay hindi natatapos ang buhay sa ating kamatayan.
Hindi ka ginawa ng Diyos para sa 80 or 90 years dito sa lupa merong long range plan ang Diyos sa iyo at sa akin. So ang tanong Anong ginagawa natin dito sa lupa? Habang tayo ay naririto ay preparation ito para sa susunod ang ibig sabihin ay mas interesado ang Diyos sa paghahanda sa iyo at sa akin para sa susunod na buhay kaysa maging masaya ka dito sa lupa. Mahal na mahal ka Niya at totoo na gusto ka Niyang maging masaya pero hindi sa punto na isusugal muna ang iyung kaluluwa para lang sa temporaring kasiyahan pero ang kapalit naman ay walang hanggang pagkahiwalay mo sa Diyos.
Kaya nga ito yung pag-uusapan natin ngayon. Paano natin paghahandaan ang susunod na buhay. Kung bago ka sa channel na ito ay tapusin mo ang mensahe na ito dahil kung gagawin mo ang mga pag-uusapan natin ikaw ay mabe-bless ang sabi diyan sa talata ay pinagpala ang aliping madaratnan na gumaganap ng tungkulin pag-uwi ng kanyang Panginoon. Kaibigan hindi madamot ang Diyos, sa kabaligtaran ay gusto ka Niyang makabilang sa Kanyang pamilya bilang anak at makabilang sa Kanyang kaharian. Tatanggapin mo ang reward o gantimpala na hinanda Niya para sa iyo kung ikaw ay madaratnan Niyang tapat na tinutupad ang purpose Niya para sa iyong buhay.
Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Ready to Answer: https://bit.ly/readytoansweryt
Worship Message: https://bit.ly/SCRIPT-ReadyForYourNex...
Life Application Guide: https://bit.ly/LAG-ReadyForYourNextLife
BACKGROUND MUSIC FROM YOUTUBE AUDIO LIBRARY
Beseeched - Asher Fulero
#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #wotg #Christianvlog #CCF
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: