Bukas na ang mga bagong atraksyon at exciting rides sa Carron Dream Park ngayong holiday season na m
Автор: DobolP TV
Загружено: 2018-12-28
Просмотров: 2359
Bukas na ang mga bagong atraksyon at exciting rides sa Carron Dream Park ngayong holiday season na matatagpuan Santo Cristo, sa bayan ng San Isidro, lalawigan ng Nueva Ecija.
Sa muling pagbubukas ng naturang parke, makikita ang mga idinadag na ibat-ibang rides gaya na lamang ng roller coaster na mala shark attack at spinning disk na patok para sa mga magkakapamilya at magkakabarkada.
Para naman sa mga bata, nandiyan rin ang isa sa mga bagong atraksyon na Kiddie Avenue kung saan mayroong playground at mga slides.
Nakapangingilabot at makatindig balahibo naman na karanasan ang ibibigay ng Train of Terror, gaya na lamang ng na-experience nina Rochelle Montanses at mga pamangkin niya na sumakay dito.
Kabilang din sa mga nakakengganyong sakyan ay ang atlantis, train on wheels, fun drop, vikings at marami pang iba na sadyang tinatangkilik na mga pumapasyal .
Sa murang admission fee na 60 pesos, maaari ka ng maglibot sa buong parke at 50 hanggang 100 pesos na bayad sa bawat rides. Habang, nasa 350 pesos naman ang ride -all –you-can.
Ayon kay Ronald Santos na siyang general manager ng Carron Group of Companies , hindi na kailangan na lumayo pa sa ibang lugar para dumayo sa ibang amusement park dahil welcome ang lahat sa Carron at talagang namang masisiyahan ang bawat isa sa abot kayang presyo ng mga rides nito.
Dagdag pa niya, dapat ding abangan ang mga thrilling rides sa susunod na taon katulad na lamang ng giant ferris wheel na may taas na 130 ft o 40 meters.
Kumpara sa 14 rides noong nakaraang taong 2017, ngayon mayroon ng 28 rides at 2 main attractions ang nasabing parke.
Ang Carron Dream Park ay bukas mula alas kwatro ng hapon at hanggang alas onse ng gabi.
Muling nagbukas ang nasabing parke noong november 30, 2018 at pansamatalang magsasara sa January 6, 2019. –Ulat ni Henriena Hizon
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: