THE PROPOSAL | 13 YEARS | MELBOURNE | FITZROY GARDEN | AUSTRALIA | JKD Vlogs
Автор: JK Alipio
Загружено: 2025-09-14
Просмотров: 168
2012, High School Sweethearts kami.
Hindi man ako ganung kagandang lalaki pero napasagot ko ang pinakamagandang babae sa high school namin.
Sa mga oras na yun, alam ko ikaw na.
Minsan, tinatanong ko siya kung ano ang dahilan kung bakit niya ako sinagot,
at yung sagot niya, hindi ako naniniwala kasi, "POGI" daw ako. Pero tinanggap ko nalang.
De joke lang, sabi "MABAIT" daw ako. yun lang 😂
Sa haba ng pinagsamahan namin, kilala na namin ang isa't isa. Mula High School, College, Work hindi kami naghiwalay. Ganun namin kamahal ang isa't isa.
Sa loob ng labing-tatlong taon, hindi naman palaging masaya. Nagkakaroon ng tampuhan at away. Pero ganun pa man, lagi sating nananaig ang pagmamahal sa bawat isa.
May mga bagay kung saan salungat tayo, at may mga bagay din kung saan tayo nagkakasundo.
May mga panahon na lubhang sinubok ang katatagan natin, at dun ko napatunayan na TOTOO ang pagmamahal mo sapagkat hindi mo ako iniwanan sa laban ko bagkus, sinamahan mo ako.
Ikaw lang ang babaeng nakikita ko sa bawat PAG-GISING ko sa umaga, babatiin ng "Good morning!", tatanungin kung "kumain/nagugutom ka ba?", sasabihan ng "Good night" gabi-gabi at sasabihan ng "MAHAL na MAHAL kita" habangbuhay.
IKAW, ang nagbigay sakin ng direksyon.
Kung ano ako ngayon, dahil sayo yun.
Maraming salamat at pinayagan mo akong iharap ka sa altar.
SHE SAID YES! - May 31, 2025!
You made me the happiest man alive!
#savethedate #proposal #fitzroy #fitzroygarden #melbourne #australia #jkdvlogs #shesaidyes
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: