KAL - POGI DAW
Автор: Titan Banz
Загружено: 2025-02-01
Просмотров: 568
Turn on captions for lyrics!
==
If for some reason the CC button does not work, then below are the words to the song --}
==
kuya, anong nangyari sa yo
wala
Pinagalitan ka na naman?
Pag kagising sa umagang alas kwatro
Diretso banyo, tubig parang yelo.
Uniporme’y plantsado at wagas
Si Mommy at Daddy hinanda na lahat
Almusal gatas at tinapay,
Laging nauuna bunso naming maingay.
Matulin nyang ubusin, sopas na may kanin
Pero yan lang talaga ang kanyang kinakain.
Tricycle service, madilim pa pag alis
Traffic pa puntang eskwelahan bago alas sais
Tiyan ko’y nagdadrama
Dahil sa daming kinain at simoy na may amoy pa
Traffic na nga at maingay pa busina
Mga kotse di marunong sa konsepto ng pila sa kalsada
(10 hours later) dumating sa skwelahan
Saka matutulog nanaman
Di naman ako nag rereklamo
Gusto ko lang makapaglaro
Sa labas sa kaibigan ko
Matalino naman daw ako sabi ng mga guro ko
Pogi daw ako sabi ng nanay ko
Wag umiyak masyado sabi daw ng tatay ko
Kasi baka pumangit pag humihikbi
Maaaring hindi na daw bumalik hitsura ko.
Pogi daw ako
Di naman ibig sabihin na ako’y tamad
Naka energy-saving mode lang naman
Kung tutuusin itong batang slim
Kayang mag computer buong araw hanggang dumilim
Di ako nakikipagtalo,
Nag eexplain lang naman ako
Kung bakit tama pa rin
Ang lahat ng mga sinasabi ko sayo,
Intindihin mo naman
Sobrang bigat ng bag ko
Kaysa sa isang sakong bigas
At kahit kelan, di pa nale-late ako
Absent lang po, sorry na po.
Di na mauulit po.
Kahit itong mensahe ko ay one time lang naman
at parinig sa magulang ko
Di naman ako nag rereklamo
Gusto ko lang makapaglaro
Sa labas sa kaibigan ko
Matalino naman daw ako sabi ng mga guro ko
Pogi daw ako sabi ng nanay ko
Wag umiyak masyado sabi daw ng tatay ko
Kasi baka pumangit pag humihikbi
Maaaring hindi na daw bumalik hitsura ko.
Pogi daw ako
ang yabang mo, mas pogi naman ako e
==
Lyrics by Titan Banz & Kal
Music by Titan Banz
everything recorded with just a cellphone and a lapel mic!
all FX done with AE and Premiere
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: