Relapse malala with Cup of Joe! | It's Showtime | December 27, 2025
Автор: ABS-CBN It's Showtime
Загружено: 2026-01-17
Просмотров: 638
Para maiwasan ang pagka-‘cray-cray’ habang naghahanda sa pagpasok ng 2026, muling makihataw sa dance craze na pinauso ng nag-iisang Vice Ganda. At dahil big craze na, deserve ng sayaw na ‘to ang isang malaking flashmob sa loob ng ABS-CBN compound, na unang napanood sa April 28 episode.
And when we say ‘malaki,’ talagang star-studded ang naging number! Naki-join ang Tawag Ng Tanghalan alums, pati na ex-KalokaLike contestants. Join din ang na-miss nating ‘Showtime’ kids. Present din ang “PBB Gen 11” squad led by Fyang Smith, at sina ex-“PBB Celebrity Collab” housemates AC Bonifacio, Ashley Ortega, Charlie Fleming, Kira Balinger, Michael Sager at Emilio Daez.
Forda kilig ang appearance ng P-Pop groups na WRIVE, VXON, G22, at AJAA. Sina Gelo, Akira, JL, Mikki at Nate ng BGYO, naki-‘Crazy’ dance nang todo. At dahil sayawan ang usapan, pinatunayan ni Yassi Pressman na she’s still one of the queens pagdating d’yan!
Mga certified achievers sila sa eskwela! Mga student-leaders na “ate” at “kuya” ng paaralan. Na-lead din nila ang swerte at ang P500k POT money sa “Laro Laro Pick” game arena! Balikan ang laro na unang ipinalabas sa October 23 episode, with Kim Chiu, Vhong Navarro and Jhong Hilario as hosts.
Kinilala ng trio si Red, isang Psychology student. Kung akala n’yo ay masyado siyang busy sa pagiging student-leader and no more time na sa paghahanap ng forever, sorry, pero keri niyang pagsabayin ang pag-aaral at dating.
Si Blen naman ang makata ng grupo, major niya kasi ay Filipino. Sa husay ni Blen magsalita, kuhang-kuha niya ang atensyon ng madla. Lalong lumakas ang hiyawan sa studio dahil sa panukala niya na gawing minimum wage earners ang mga politiko. Kung ang pagsisilbi nga naman ay galing sa puso, aba, hindi na dapat issue ang sweldo.
Si Madie naman ang strong but softie girlie. Dapat firm sa pagiging leader, pero soft pa rin minsan para marinig ang boses ng mga estudyanteng kanyang ipinaglalaban. Sa dulo ng laban, ang student leader na si Marj ang umabante sa jackpot round.
Magaling siya sa numbers bilang Accountancy student. Ang hiling niya, sana mag-multiply ang swerte at ma-add sa kanyang bulsa ang P500,000 POT money, para sa kanyang mommy, na nagdiriwang ng birthday nang araw na ‘yon.
Bilang president ng student government, may angkin na tapang at paninindigan si Marj. Kaya hanggang dulo, buo ang loob niyang ilaban ang P500,000 POT question, na nasagot naman niya nang tama.
Sabi nga ni Kuys Jhong, alam ng langit kung sino ang tunay na deserving manalo! At deserve rin ni mommy na single parent. Kuwento ni Marj, labis ang kanyang paghanga sa ina, na hindi nahihiyang lumapit sa mga kakilala para humingi ng tulong. Hindi na sila mangungutang ulit dahil sa P500,000 na papremyo, buhay nila ay tiyak magbabago.
Kung misan sa pagmamahalan, kahit tapos na, bumabalik pa rin ang ala-ala. Parang multo na bigla na lang sumusulpot kapag nagre-relapse ang puso tapos parang hinahabol ka pa rin ng nakaraan na parang anino. Shout out sa mga brokenhearted at moving on, dahil sa unang pagkakataon, August 20, bumisita sa “It’s Showtime” ang OPM band na nakaka-inlove pero minsan mapanakit ang mga hit. Cup of Joe performed their trending song para sa mga pusong minumulto ng kahapon.
Sa June 3 episode naman unang narinig ang "Sariling Mundo" performance ni TJ Monterde sa "It's Showtime." In 3, 2, 1... Do'n na muna tayo sa sarili nating mundo...
Sa pag-welcome natin sa month of FEB-ibig this 2025, bumisita ang girls na everybody's love, sa episode na unang umere nitong February 1. Sa Showtime stage, nag-mini concert ang OT8. Hatid nila’y isang juicy and show-stopping treat. BINI’s “Cherry On Top” performance brought the heat!
Na-POP-sayaw rin ang lahat sa pagdating ng tatlong grupo na itinataas ang bandera ng P-pop. Pasabog concert-feels ang atake nang magsama-sama on one stage ang 1621, Wrive, at VXON, sa isang kantahan na unang ipinalabas nitong September 5. Tatlong grupo, tatlong iba't-ibang vibe, pero iisang lakas ng P-pop pride.
#ItsShowtimeOnline
#ItsShowtimeFullEpisode
#ABSCBNEntertainment
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: