It’s Showtime December 31, 2025 | Full Episode
Автор: ABS-CBN It's Showtime
Загружено: 2026-01-01
Просмотров: 3393
Sa huling laban ng "Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025" na nasaksihan noong April 26, 2025, damang-dama ang gigil manalo ng anim na mang-aawit na kumasa sa hamon ng entablado.
Nagsimula sa 48 Resbakers, nahati sa apat na pangkat, sa dulo'y anim na lang ang nagharap-harap.
Para sa matinding salpukan ng mga pinakamahuhusay na mang-aawit, pinakamalalaking OPM icons din ang umupo bilang mga hurado, sa pangununa ni Maestro Louie Ocampo. Kabilang din sa panel of judges sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Pops Fernandez, Marco Sison, Lani Misalucha, Bituin Escalante, Nyoy Volante, at special 2-in-1 guest hurados Stell at Pablo ng SB19.
May dalawang rounds ang Huling Tapatan. Sa Round 1, inawit ng mga kalahok ang pangmalakasang solo performances. Ang Top 3 contenders ang umabante sa Round 2 featuring medleys of their chosen music icons.
Agad-agad sinimulan ni Ayegee Paredes ang bakbakan ng bosesan, singing “It’s My Turn.” Bumagay naman sa vocal quality ni Ian Manibale ang “Sign of the Times” ni Harry Styles. Bandera ng LGBT community ay itinaas ni Raven Heyres sa pagkanta ng “You Raise Me Up.” Lumipad patungo sa kan’yang mga pangarap si Rachel Gabreza, na bumirit ng “I Believe I Can Fly.” Napuno ng mahika ang studio nang tumuntong sa entablado si Marko Rudio, rocking the stage with “Hallelujah” by Bamboo. “I Need You,” birit naan Charizze Arnigo.
Matapos ang solo singing itinanghal na Top 3 sina Marko, Ian, at Charizze. Versatility ang ipinakita ni Marko nang mag-ala P-Pop Kings siya with his SB19 medley performance. Ang mga kanta ng lima, pinerform niya nang mag-isa! Harana times three naman ang hatid ni Ian sa kan’yang Lewis Capaldi medley. And, bringing something new to the TNT stage, isang sorpresang Moira dela Torre playlist ang napili ni Charizze.
Bahagi ng kasaysayan ang Madlang People dahil 50% ng total scores ng Top 3 contenders ay nagmula sa online votes, at ang natitirang 50% naman ay mula sa hurados’ scores. Habang hinihintay ang resulta ng botohan, itinaas pa ng grupong SB19–Stell, Pablo, Josh, Justin, Ken–ang energy sa studio sa kanilang pa-free concert sa tanghalan.
Sa hinaba-haba ng pinagdaanan, sa kampeonato pa rin ang tuloy ni Marko, na hinirang binilang ‘TNT All-Star Grand Resbak 2025’ Champion, matapos makakuha ng 96.15% mula sa pinagsamang online votes at hurados’ scores. Nag-uwi si Marko ng 1 million pesos, management contract, at isang prestihiyosong tropeo.
Nasa ikalawang puwesto si Ian (92.80%) at nasa ikatlong puwesto naman si Charizze (89.55%).
#ItsShowtime
#ItsShowtimeNa
#ABSCBNEntertainment
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: