AWTOMATIKONG 100% LIFELINE DISCOUNT PARA SA 4Ps NA KUMOKONSUMO NG 50 KWH PABABA, PLANONG IPATUPAD
Автор: TV48 Station
Загружено: 2025-12-05
Просмотров: 24
AWTOMATIKONG 100% LIFELINE DISCOUNT PARA SA 4Ps NA KUMOKONSUMO NG 50 KWH PABABA, PLANONG IPATUPAD NG DOE
Pinapabilis ng Department of Energy katuwang ang Department of Social Welfare and Development at Energy Regulatory Commission, ang pagfinalize ng bagong polisiya na magbibigay ng awtomatikong 100 percent lifeline discount o libreng kuryente sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na may konsumo na 50 kilowatt-hours o mas mababa kada buwan.
Sa ilalim ng panukala, hindi na kakailanganin ng mga benepisyaryo na personal na magtungo sa kanilang electric cooperatives para mag-apply, taliwas sa kasalukuyang proseso na nagdudulot ng abala at dagdag gastos sa pamasahe. Base sa DOE, layunin na maipatupad ang bagong sistema bago sumapit ang Kapaskuhan.
Bahagi ng polisiya ang pagbuo ng data-sharing agreement sa pagitan ng DOE, DSWD at mga electric cooperative upang awtomatikong ma-verify ang mga kwalipikadong household at maipasok sila sa zero-billing system. Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na ang mandatory registration sa mga electric cooperative ang isa sa mga hadlang na pumipigil sa maraming benepisyaryo para ma-avail ang programa, at tinutugunan ito sa bagong guidelines.
Nilinaw ng DOE na ang mga 4Ps members na hindi nakapangalan sa kanilang electric meter ay maaari pa ring mabigyan ng diskwento ngunit dadaan sa karampatang verification process.
Samantala, naglabasan ang iba’t ibang reaksyon ng publiko sa social media kaugnay ng panukalang lifeline discount.
Ayon kay Maria Lorena Cunanan, dapat umanong isaalang-alang din ang ibang sektor tulad ng taxpayers, seniors na solo living at PWDs, at hindi lamang ang 4Ps, dahil nahihirapan din sila sa mataas na singil sa kuryente.
Sa komento naman ni Zenaida Manite Licudan, hiniling niya na salain nang mabuti ang mga benepisyaryo dahil may ilang 4Ps households umano na hindi tunay na nangangailangan, habang ang iba namang nasa mas mahirap na sitwasyon ay hindi nakakasama sa programa.
Sinabi ni Jessa Guingon na dapat pantay ang pagtrato sa lahat at may mga pagkakataon umanong hindi natatanggap ng mga nagsisikap na pamilya ang ganitong uri ng ayuda.
Nagbahagi rin ng reaksyon si Ervie Tee Salonga II, na nagsabing mas dapat pagtuunan ng pansin ang pagbaba ng singil sa kuryente, at binanggit na may ilang 4Ps households na may mga kagamitan tulad ng air conditioner.
Sa huling komento, nanawagan si Josie Manangan na mabigyan din ng suporta ang ilang senior citizens na wala pang natatanggap na pension mula sa pamahalaan.
Patuloy ang koordinasyon ng DOE, DSWD at ERC upang maisapinal ang mga bagong panuntunan bago ang inaasahang pagpapatupad ng awtomatikong lifeline discount.
#balitangunangsigaw
#tv48station
#nuevaecija
#news
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: