Sino si San Andres Kim Taegon? (St.Andrew Kim Dae-gun)
Автор: John Lloyd Mendoza Tungol (JLMT VLOGS)
Загружено: 2017-04-20
Просмотров: 2473
SINO SI SAN ANDRES KIM TAE-GON?
Si San Andres Kim Tae-gon (binibigkas bilang "dae-gun"), ang unang koreanong pari, ay ipinanganak sa solmoe, Tangjin-gun Country, Timog Korea noong Agost 21, 1821. Siya ay anak ni San Ignacio Kim Che-jun (kabilang din sa mga martir ng krea) at ng isang hindi nakikilalang koreana.
Nang si Andres ay 18 taon, pinatay dahil sa pananampalataya ang kanyang mga magulang at kapatid. nagtungo siya sa Macau upang doon mag-aral sa pamamatnuba ng mga paring katoliko. Nang Sumiklab ang kaguluhan sa mga teritoryo ng tsina , at inuusig pa rin ang mga katoliko sa korea, naglayag siya patungong pilipinas at tumira sa ating munting baryo (Lolomboy, Bocaue), na noon ay kilala bilang "Hacienda De Lolomboy" na pag-aari ng mga Dominikanong Prayle. Dito siya ay naging interpreter, dahil siya ay paham sa ingles, Espanyol, Mandarin at Pranses. Tumira siya dito sa Lolomboy nang mga Taong 1837, 1839 at 1841. Sa isang sulat sa kanyang mga kamag-anak, isinalarawan niya ang ang Lolomboy na "Taimik na Lugar at angkop pagdausan ng mga banal na Pagsasanay." Na-Ordinahan sia bilang unang koreanong pari pari noong agosto 17, 1845 sa shanghai, Tsina. nng oktubre, 1845, nagbalik siya sa kanyang tinubuang bayan at agad hinuli ng mga kawal ng emperador. inakusahan siya ng "pagsunod sa relihiyon ng mga dayuhan at pakikipagsabwatan sa kanila para pabagsakin ang Imperyng Koreano."
Nilitis si Padre Andres sa Harap ng Emperador at Hinatulan ng Kamatayan. Pinugutan siya ng ulo nong ika-16 ng setyembre, 1846. isinabit ang Kanyang ulo sa isang kawayan at inilantad sa publiko sa loob ng tatlong arawupang balaan ang mga Kristiyano.
Ginawa siyang "beato" ni PApa Pio XI noong Hulo 5, 1925 at ipinahayag sa santo, kasama ng kanyang ama, 91 laykong koreano at 10 Paring Pranses, nong May 6, 1984 ni Papa Juan Pablo II sa Seoul, Timog Korea. Itinanghal siya ni Esteban Kardinal Kim ng Korea at Obispo Cirilo Almario, Jr. ng Malolos Bilang ikalawang patron ng ating PArokya, (ang Sto.Cristo bilang unang Patron mula pa noong Mayo 14, 1959) noong Mayo 22, 1886. Ang KAnyang kapistahan ay ipinagdiriwang sa Buong Mundo tuwing ika-20 ng Setyembre.
Source: KRUSADA - The Sto.Cristo & St. Andrew Kim Taegon Parish Church Newpaper
Ang Misa sa St. Andrew Kim Shrine ay tuwing unag Sabado ng Buwan, Kung kayo ay dadalaw, nawa ang pag-bisita natin ay ating sariwain sa pamamagitan ng Pananalangin at pagninilay, Hindi masama ang kumuha ng Litrato ngunit panatilihin natin ang Kalinisan at pag-galang sa ating Shrine.
BUKAS ANG TANGGAPAN NG PAROKYA TUWING MARTES - LINGGO
8:00AM - 12;00NN AT 2:00PM - 5:00PM / TEL: (044) 278-6594
Special Thanks to: Bro.Dustin T. Lim,OP Dominican Laity Sta Catalina Convent Baguio City, Ministry of altar Servers of Lolomboy, The Sto.Cristo & St. Andrew Kim Taegon Parish Church
JLMT Production
All Rights Reserved 2017
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: