DIZON DISMAYADO SA SUNOG APOG PUMPING STATION SA TONDO
Автор: Boy Gonzales Vlog
Загружено: 2025-09-24
Просмотров: 188
Ipinahayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang matinding pagkadismaya matapos ang isinagawang inspeksyon sa Sunog Apog Pumping Station sa Gagalangin Tondo, Maynila.
Kasama sina Baguio City Mayor at Independent Commission for Infrastructure (ICI) Special Advisor Benjamin Magalong at Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, personal na tiningnan ni Dizon ang kondisyon ng pasilidad na nagkakahalaga ng mahigit ₱774 milyon ngunit sinasabing hindi nagagamit nang maayos mula nang matapos noong 2020.
“Useless itong pumping station from the beginning. Mas nakakasama pa. Repair ng repair ang contractor, bale wala naman dahil hindi nakakatulong. Fully paid pa ng DPWH,” ani Dizon, sabay batikos sa kalidad ng proyekto.
Ang nasabing pumping station ay inirereklamo ng lokal na pamahalaan dahil sa umano’y pagkasira nito tuwing tag-ulan at hindi pagganap sa tungkuling pababain ang baha sa lungsod.
Ayon sa mga opisyal, isinasailalim na sa masusing imbestigasyon ang proyekto at posibleng kasuhan ang kontratista bunsod ng mga depekto.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: