YNNAH X ZIKK - KALIMUTAN REMIX
Автор: Zikk
Загружено: 2014-06-21
Просмотров: 71031
facebook link: https://www.facebook.com/photo.php?v=...
original kalimutan song by ynnah link: • KALIMUTAN (Lyrics) - Ynnah
follow or add me @ / tatlopuyo for the latest..
zikk lyrics:
zikk lyrics:
Ang daling sabihin pero hirap na gawin
Lalo't aking napapansin na naibig ka na din...
Di ko pangarap manggulo
O pagsiksikan ang sarili,malawak ang mundo
Madaming iba dyan,kaya di ko binalak manukso
Oo tuso ako pero wala kong winasak na buo
Kaya inawat ang gusto,pinilit ang sariling mapigilang
Maibigan ka't piniling manatiling kaibigan
Ang lihim na pagtingin,sapilitan piniringan
Para di makita ang malisya sa ating tinginan
Pero nung takpan ang pagtingin, nagbukas ang ibang pandama
Ang bawat hawak at yakap ay nagdala ng kaba
Sa dibdib,at ang pintig ng mga puso'y mas nadinig,
mas nagkatamis ang mga sinasabi ng bibig
At noong ang pag-ibig ay naamoy na nga sa hangin
di na nating napigilang padamang nasa damdamin
Natanggal ang piring Dahil Di na nagawang kayanin
ng isa na ang apat na ibang pandama'y awatin
At nagliwanag ang lahat nung isang gabing madilim
E sumabog ang damdaming pinilit nating makimkrim
Naging tama ang mali bago tayo nahimbing
Pero naging mali ang tama nung tayo'y nagising
Nung sabihin mong nangyare yun dahil saking kapusukan
At dahil lang sayong karupukan ay natukso kang
Magkasala kasama ko pero yun ay kaululan
Dahil alam naten parehong meron yung kahulugan
At di lang naten sinagot ang tawag ng laman
Dahil higit pa sa init ang ating naramdaman
Nasagot din ang tanong kung ano ba ang lihim na laman
Ng ating damdaming dating ayaw nating ipaalam
At ngayon alam na natin gusto mo na mamaalam na
Talikuran at makalimutan ang nadarama
Ayaw mong tanggapin na nagmamahal ka na
Sabi mo hindi na pede kase ikakasal ka na
Hindi ko kaya..
Kaya mas pinili ko na pilitin paalala
Sayo ang sayang nadama mo nung tayoy magkasama
Para matanto mong tayo talagang nakatadhana
Kaya kahit alam kong merong kayo at walang tayo
Lalaban to kase wala kayo ng meron tayo
Kayamanan lang ang meron sya na wala ako
Pero pagmamahal mo ang wala sya na meron ako
Alam ko na kaya ka nyang bigyan ng magandang buhay
Pero handa ka ba na pagsisihan habang buhay
Na pinakawalan mo ang pagmamahal na tunay
At madadala mo ba ang kayamanan nya sa hukay?
ang tunay na kaligayahan ay walang presyo
Kaya wag ka sanang sa salapi nya magpapreso
Pede ka namang sa simpleng buhay makuntento
Kung kasama mo ang tao na sayo ay nakumpleto
Kaya subukan mong turuan ang puso mong magdesisyon
Upang takbo ng utak moy magbago ng direksyon
Wag mong hayaang kinabuksan mo'y palibutan ng tanong
Bago to maging kahapon wag mong kalimutan ang ngayon.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: