Ang Buhay at Kapaligiran ni Jesus | Church of God
Автор: World Mission Society Church of God / Global
Загружено: 2025-10-30
Просмотров: 2636
Ang Buhay at Kapaligiran ng Makapangyarihang Diyos sa Lahat na si Jesus at si Cristo Ahnsahnghong na Dumating sa Lupa
Ang Makapangyarihang Diyos, ang Walang hanggang Ama, ay pumarito sa lupa ay ipinako sa krus, at nagtiis ng mga panlilibak, paghamak, at pag-uusig ng di-mabilang na tao. Gayunman, tahimik Niyang tiniis ang lahat ng ito para mahanap Niya ang Kanyang totoong bayan, upang tubusin ang lahat ng kanilang kasalanan, at iligtas sila.
Sa Panahon ng Espiritu Santo, Prinopesiya rin na Darating ang mga Araw ng Pagtangis ng Makalangit na Inang Jerusalem
Sa proseso ng pagliligtas sa mga makalangit na anak, pumarito sa lupa sa laman si Jesus sa Kanyang unang pagdating, si Cristo Ahnsahnghong sa Kanyang ikalawang pagdating, at ang Makalangit na Inang Jerusalem. Alinsunod sa propesiya, bahagi ng daang ito ang mga araw ng pagtangis, na susundan ng mga araw ng kagalakan kung kailan matatanggap ang kaluwalhatian. Alinsunod sa pangakong ito, ang kaluwalhatian ng Diyos Ina, na nangunguna ngayon sa Church of God, ay nahahayag sa buong mundo.
Sinagot sila ni Jesus, “Maraming mabubuting gawa mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo. Alin sa mga gawang iyon ang dahilan at babatuhin ninyo ako?”
Sumagot sa kanya ang mga Judio, “Hindi dahil sa mabuting gawa ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan. Sapagkat ikaw, na isang tao, ay nag-aangkin na Diyos.”
John 10:32–33
Ang iyong araw ay hindi na lulubog, o ang iyo mang buwan ay lulubog; sapagkat ang PANGINOON ay magiging iyong walang hanggang liwanag, at ang mga araw ng iyong pagtangis ay matatapos.
Isaiah 60:20
[Ang karapatang-ari ng video na ito ay nasa World Mission Society Church of God. Ipinagbabawal ang pagkopya, pamamahagi, o pagpapadala ng video na ito sa ano mang anyo o sa ano mang paraan nang walang pahintulot.]
〖World Mission Society Church of God〗https://watv.org
〖 Philippines 〗 https://phwmscog.com
〖WATV Media Cast〗 https://watvmedia.org/fil
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: