God's Will. Paano tutugon ng tama sa kalooban ng Diyos?
Автор: WOTG - Word On The Go
Загружено: 2022-07-31
Просмотров: 48896
Alam mo ba na Merong kalooban ang Diyos sa buhay natin. Kaya lang ang tanong ay kapag nalaman ba natin ang kalooban na ito ay alam ba natin kung paano tayo tutugon?
Naranasan mo na bang makipaglaban na manatili sa pagsunod sa kalooban ng Diyos? At sa arawaraw ay struggle mo na magpigil ng iyong temper, magpatawad, magmahal sa taong hindi naman kamahalmahal. At nahihirapan ka kasi iniisip mo gusto mo ng pakawalan ang iyung galit. Kaya nagtatanong ka tuloy ngayun kung worth it ba ang sumunod sa kalooban ng Diyos?
O kaya naiisip mo ba na gawin ang isang bagay kahit alam mong hindi ito kalooban ng Diyos? Tapos nagtatanong ka ngayun bakit nga ba hindi ko pwede gawin e magiging masaya naman ako dito sa desisyon na ito.
O marahil ikaw ay dating may malapit na relasyon sa Diyos. Kaya lang ay nakagawa ka ng desisyon na hindi Niya kalooban. At dahil nasimulan mo ng magcompromise ay nasundan pa ito ng nasundan na naging dahilan kaya masyado ka ng napalayo sa Diyos ngayun. Tapos tinatanong mo tuloy kung anong paraan para ka makabalik sa Diyos.
O marahil ang iyung magulang ay ayaw ka bigyan ng blessing sa pagpapakasal mo sa iyung minamahal. Alam mo na kalooban ng Diyos na ihonor mo ang iyung magulang at alam mo na siya ay authority mo pa rin na binigay ng Diyos kaya lang ay parang gusto mo ng magrebelde dahil nagdududa ka kung tama ba ang sumunod sa kalooban ng Diyos.
Kaibigan Imagine mo na may isang lalaking gumagawa ng bahay. Tapos Nagdesisyon ang lalaki na ito na gumawa ng sarili nyang plano at diskarte at hindi sundin ang ginawang design ng arkitekto. Now habang ginagawa nya ang bahay ay dumating naman ang arkitekto upang magcheck. Ano kaya ang mangyayari sa bahay na ginagawa? Chaos, magulo at walang patutunguhan.
Kaibigan ganon din ang pagtayo ng ating buhay. Ang Diyos ang Arkitekto ng ating buhay kaya ang desisyon ng isang tao na patakbuhin ang sariling buhay ay isang kamangmangan.
At ito ang mahalagang paguusapan natin ngayun. Paano ba tayo tutugon sa kalooban ng Diyos. Narealized ko na sa paraan mo ng pagtugon sa kalooban ng Diyos ay nakasalalay ang tagumpay o kabiguan sa buhay. Nakasalalay din dito kung Magkaron ka ba ng Fulfillment o dissatisfaction. At ang pinakamahalaga na dapat mong iconsider ay nakasalalay sa pagtugon mo sa kalooban ng Diyos ang pagkakaron mo ng kamatayan o buhay na walang hanggan sa susunod na buhay.
Kaibigan tapusin mo ang mensahe na ito upang magkaron ka ng katiyakan sa iyung future na hindi mo pagsisisihan.
Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Ready to Answer: https://bit.ly/readytoansweryt
Message Script: https://bit.ly/GodsWillScript
#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #wotg #Christianvlog #CCF
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: