Candle Festival 2025 | Masalukot 1 Elementary School | Sayaw Parangal Para Kay Maria
Автор: 𝕀𝕟𝕗𝕚𝕟𝕚𝕥𝕪 𝔼𝕕𝕚𝕥𝕤 𝕆𝕗𝕗𝕚𝕔𝕚𝕒𝕝
Загружено: 2025-02-10
Просмотров: 877
Pinagdiriwang ang Candle Festival tuwing ika-2 ng Pebrero sa bayan ng Candelaria sa lalawigan ng Quezon.
Ang Pista ng mga Kandila (Candle Festival) ay nakaugat sa pagdiriwang ng Candle mass tuwing ika-2 ng Pebrero, apatnapung araw makaraan ang Pasko. Ito ay gumugunita sa ritwal ng Paglilinis kay Maria at sa Paghahain kay Hesus sa Templo. Ang pangyayaring ito ay isinalarawan sa ebanghelyo ni San Lukas, Kabanata II, talata 22 hanggang 40. Nang lumaon, ang tradisyon ay lumaganap sa buong sang kakristyanuhan. Ang paggamit ng mga kandila ay ipinaliwanag ni Papa Inosente Ika-labindalawa sa kanyang sermon bilang pagparangal sa Mahal na Birhen bilang tagapagdala ng liwanag.
Ang tradisyon ng pagsisindi ng kandila sa mga bintana o silid ng mga Kristyano at pagano ay hindi na maituturing na siyang pinagmulan ng pangalang “Candlemas” sapagkat ito ay tumutukoy sa pagbabasbas ng mga kandila, dahilan upang ito ay maging sentro o buod ng pagdiriwang ng kapistahan. Ang Candlemas na napagkasunduang tukuyin bilang Candle Festival sa Candelaria, Quezon ay binigyan ng higit pang malawak na pagdiriwang sa pangungunang dating lingkod-pari, Reb. Mons. Carlos Pedro A. Herrera, PC, noong 2004
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: