TAGHOY (10-Aristotle)
Автор: Valnat MAPEH
Загружено: 2026-01-25
Просмотров: 6
Si Jun (Hero Etac) ay isang batang naghahanap ng pagmamahal at pag-unawa mula sa kanyang pamilya. Palaging sinasalungat ng kanyang mga magulang ang kanyang mga plano at hindi siya pinapakinggan, lalo na tungkol sa kanyang kalusugan. Dahil sa kakulangan sa pera at dami ng responsibilidad, nararamdaman ni Jun na siya ay pabigat sa kanilang tahanan.
Dahil dito, madalas siyang lumayo at gumala mag-isa, umuuwi lamang tuwing gabi. Sa paaralan, kilala siya bilang masayahin at palatawa, ngunit sa likod ng kanyang ngiti ay punô ng problema ang kanyang isipan. Ginagastos niya ang kanyang natitirang pera para sa iba at napipilitang magtrabaho upang mabuhay.
Sa sobrang bigat ng kanyang dinadala, natakot si Jun na magsabi ng kanyang nararamdaman. Ngunit patuloy siyang nagdasal na lilipas din ang lahat. Sa kalaunan, nakahanap siya ng tunay na suporta kina Charles (Christopher Salvador), Troy (Shame Dabela), at Nel (Samantha Macale) mga kaibigang nagbigay sa kanya ng pagmamahal at pag-unawa.
Unti-unting naging tahimik ang sipol ni Jun, sapagkat hindi na niya kailangang sumigaw para marinig may mga kaibigan na siya.
Mga kaibigang naging pamilya.
Ikaw, paano ka magiging tinig kung ang mismong tinig ay wala namang bibig?
*Disclaimer*
This video is created for educational purposes only.
The materials used belong to their respective copyright owners.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: