AKLAT NG LEVITICUS
Автор: READ SCRIPTURES
Загружено: 2021-06-21
Просмотров: 53963
#AklatNgLeviticus #LEVITICUS
AKLAT NG LEVITICUS
Panimula
Ang Levitico ay isang aklat ng pagsamba. Ang pamagat nito ay tumutukoy sa mga paring Levita na itinalaga upang maglingkod at mangasiwa sa santuwaryo. Ang aklat ay mayroong anim na bahagi:
(1) mga batas tungkol sa mga handog (kabanata 1-7);
(2) ang pagtatalaga sa mga pari sa kanilang mga katungkulan (kabanata 8-10);
(3) mga batas na naghahayag ng pagkakaiba ng malinis sa marumi (kabanata 11-15);
(4) ang seremonya tungkol sa taunang araw ng pagtubos (kabanata 16);
(5) mga batas na dapat ipamuhay ng Israel bilang isang banal na bayan (kabanata 17-26);
(6) batas tungkol sa mga panatang pangrelihiyon (kabanata 27). Sa pamamagitan ng iba't ibang rituwal at batas ay naroroon ang matibay na paniniwala na ang banal na Diyos ay naninirahan sa gitna ng kanyang bayan sa panahon ng kanilang makasaysayang paglalakbay (Exo. 40:34-38). Ang pagiging malapit ng Diyos ay nakakatulong hindi lamang upang layuan
nila ang kasalanan kundi upang maakay rin sila na lumapit sa kanya sa pamamagitan ng taos-pusong pagsamba.
Ipinapakita rin ng aklat na ito na ang Diyos ay naglaan ng mga paraan ng pagtubos at pagpapatawad upang ang komunidad ay maibalik at maipagkasundo sa kanya.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: