VP Sara: Senator-judges na “anti-Duterte” gaya ni Hontiveros, dapat mag-inhibit
Автор: Philippine STAR
Загружено: 2025-06-16
Просмотров: 3946
’TULAD NA LANG NI SEN. RISA’
Sa kabila ng apela na mag-inhibit sa impeachment trial ang senator-judges na kaalyado ng mga Duterte, nangatwiran si Vice President Sara Duterte na dapat ganoon din ang gawin ng mga senador na para sa kanya’y anti-Duterte, gaya ni Senator Risa Hontiveros.
"Ang posisyon lang naman ng isang tao is you are for or against Inday Sara. Kung gano'n ang ating basehan sa inhibition, dapat din nating ipa-inhibit ang senators na meron ding bias against Sara Duterte, tulad na lang ni Senator Risa Hontiveros,” tahasang binanggit ni Duterte sa isang press briefing ngayong Lunes, June 16, 2025.
Sa kabila ng nasabing suhestiyon, hinikayat niya ang publiko na magtiwala sa mga senator-judge at sa kanilang sinumpaang tungkulin para sa kanyang paglilitis.
“Kaya ang sinasabi ko, ibigay na natin 'yung benefit of the doubt diyan sa ating senator-judges na gagawin nila ang trabaho nila nang patas according sa sinumpaan nila as senator-judges,” ani Duterte.
Matatandaang naghain si Senator Bato dela Rosa ng mosyon upang ibasura ang impeachment complaint kay Duterte bago mag-convene ang Senado bilang impeachment court nitong June 10, 2025.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: