Pandangguhan| Apat na Dahilan- KUNDIMAN (COVER) Recy
Автор: Recy Luren Pagaduan
Загружено: 2020-08-31
Просмотров: 16338
I
Manunugtug ay nangagpasimula
At nangagsayawan ang mga mutya
Sa mga padyak parang magigiba
Ang bawat tapakan ng mga bakya
II
Kung pagmamasdan ay nakatutuwa
Ang hinhin nila'y hindi nawawala
Tunay na hinahangaan ng madla
Ang sayaw nitong ating munting bansa
III
Dahil sa ikaw mutyang paraluman
Walang singganda sa dagat silangan
Mahal na hiyas ang puso mo hirang
Ang pag-ibig mo'y hirap makamtan
Kung hindi taos ay masasawi
Mga pagsuyong iniaalay
Kung hindi taos ay masasawi
Mga pagsuyong iniaalay
IV
Halina aking mahal, ligaya ko ay ikaw
Kapag 'di ka natatanaw,
Ang buhay ko ay anong panglaw
Halina aking mahal, ligaya ko ay ikaw
Kapag 'di ka natatanaw,
Ang buhay ko ay anong panglaw
V
Kung may pista sa aming bayan,
Ang lahat ay nagdiriwang
May letchon bawat tahanan,
May gayak pati simbahan
Paglabas ni Santa Mariang mahal,
Kami ay taos na nagdarasal
Prusisyon dito ay nagdaraan,
Kung kaya't ang iba'y nag-aabang
May tumutugtog at may sumasayaw,
Mayrong sa galak ay napapasigaw
Ang pista sa bayan namin ay ganyan,
Ang saya'y tila walang katapusan.
APAT NA DAHILAN
May alam akong apat na dahilan
Ng pag aasawa at mga kasal
Mayroong dyang kasal na kasunduan lang
na hindi naman sadyang nagligawan
At mayron namang napikot lang bigla. Nagasawa na mula nang mapahiya
Meron dyang nagmamahal daw ng tapat pero kwarta lamang ang hinahangad
At itong huli tunay na suyuan
Ng isang Wagas na pagmamahalan
Kahit di gusto ng bawat magulang
Ay tuloy pa rin hanggang sa magtanan
Tama ang isa, tatlo ang mali sa mga kasalan sa simbahan
Yan ang dahilan kung bakit ganyan
Kay ikli ikli ng kasayahan
Halina aking liyag
Kapiling hanggang wakas
Ikaw ang tunay kong mahal
Na iniibig ko nang tapat
Kung anuman ang maging swerte
Gawin ang ikabubuti
Talagang ganyan ang buhay
Matagal ang kalungkutan
Kalimutan na ang nakaraan
Harapin mo ang darating pa lang
Ihanda mo lahat ng paraan
Ituloy ang iyong kaunlaran
Balikan ang gawain mong nahinto
Upang di sapitin ang pagkabigo
Kahit Konting halaga ay impukin
Pagdating ng araw ay dadami rin
instrumental: • Видео
________________________________________
Follow me on Instagram: / recyluren
Facebook: / recy.luren.pagaduan
DISCLAIMER: I hereby declare that I do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: