Alay Para Sa’Yo ALAHAYAH
Автор: New Songs from the East
Загружено: 2026-01-13
Просмотров: 152
Alay Para Sa’Yo Alahayah
Song Writer: Maribel Alcantara
Date: 08/01/2026
Verse I
Matagal na hindi ginawa ang pag-aalay sa’Yo Aba
Dahil sa kasamaan ng Iyong mga nilalang
Walang humpay na nagpagamit sa kasamaan
At nabali ng tuluyan ang Iyong kautusan
Verse II
Libo-libong taon na tinago ng kaaway ang katotohanan
Inagaw pati ang pagkakakilanlan ng mga Yasharal
Napalitan ang Iyong kautusan ng karimlan
At kahindik-hindik itong sinanggalang
Verse III
Ngunit dahil sa katapatan Mo sa Iyong kaibigang si Abraham
At dahil sa malasakit sa Iyong mga nilalang
At sa Iyong di matatawarang pag-ibig
Unti-unti mong ginigising ang diwa ng mga piniling sanga
Verse IV
Dahil po sa Iyong pag-ibig at awa ay nandito kami ngayon
Nabuhayan ng pag-asa na makabalik sa maayos na katayuan
Magliwanag ang madilim at walang saysay na daan
Makawala sa gapos ng karumihan at kasalanan
Chorus:
Salamat sa pagbibigay mo sa pribilehiyo
na makilala Ka
Aba, tulungan mo po kaming maging tapat na katulad Mo
At magawa namin ng maayos ang kautusan Mo
Tanggapin Mo po mahal na Aba Yahawah ang mga alay na ito
End:
Salamat po sa kabutihan Mo Mahal na Alahayah
Tanggapin Mo po ang mga alay na ito
Repeat Verse IV
Repeat Chorus
End
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: