MATTHEW 11:2-11 ANG MGA SINUGO NI JUAN BAUTISTA.
Автор: Ka Simbahan
Загружено: 2025-12-07
Просмотров: 66
Matthew 11:2 Nabalitaan ni Juan Bautista, na noo'y nasa bilangguan, ang mga ginagawa ni Cristo. Kaya't nagsugo si Juan ng kanyang mga alagad
Matthew 11:3 "at ipinatanong sa kanya, 'Kayo po ba ang ipinangakong paririto, o maghihintay pa kami ng iba?'"
Matthew 11:4 "Sumagot si Jesus, 'Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang inyong narinig at nakita:"
Matthew 11:5 nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita.
Matthew 11:6 "Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!' "
Matthew 11:7 "Pag-alis ng mga alagad ni Juan, nagsalita si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan: 'Bakit kayo lumabas sa ilang? Ano ang ibig ninyong makita? Isa bang tambo na inuugoy ng hangin?"
Matthew 11:8 Ano nga ang ibig ninyong makita? Isang taong may maringal na kasuutan? Ang mga nagdaramit ng maringal ay nasa palasyo ng mga hari!
Matthew 11:9 Ano nga ba ang ibig ninyong makita? Isang propeta? Oo. At sinasabi ko sa inyo, higit pa sa propeta.
Matthew 11:10 Sapagkat si Juan ang tinutukoy ng Kasulatan: 'Narito ang sugo ko na aking ipinadadalang mauuna sa iyo; ihahanda niya ang iyong daraanan.'
Matthew 11:11 Sinasabi ko sa inyo: sa mga isinilang, wala pang lumilitaw na higit na dakila kay Juan Bautista; ngunit ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos ay dakila kaysa kanya.
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: