Anne Curtis, thankful sa 'Most Outstanding Actress' award | It's Showtime | January 27, 2026
Автор: ABS-CBN It's Showtime
Загружено: 2026-01-27
Просмотров: 3769
Sa huling Martes ng Enero, isang harana ang magpapa-happy sa puso n'yo. Sagot na 'yan ni Rob Deniel, na may quality voice na, may quality charisma pa.
Nagbabalik si Rob sa 'Showtime' stage para mangharana at maghatid ng good news tungkol sa nalalapit na concert niya, kung saan isa sa mga guests si Ogie Alcasid. Pero ang dare ng Showtime hosts, um-appear si Ogie as 'Eydie Waw.'
Wow na wow naman ang bagong achievement ni Anne Curtis as Most Outstanding Actress in a Lead Role sa 8th Gawad Lasallianeta para sa teleseryeng "It's Okay Not To Be Okay." Kaya paalala ni 'Miss Mia,' mental health matters. Panalo rin ang "It's Showtime" bilang Most Outstanding Variety Show. Kinilala rin si Vice Ganda bilang Most Influential Celebrity at Most Outstanding Brand Endorser
Dahil 2026 na, dapat mag-level up! Sabi nga ni Meme Vice, dapat maging high standard, 'quality' person na rin. Paano nga ba ma-achieve ang pagiging 'quality'? Nag-share ng tips si Meme! Nakatuwaan din ni Meme na kilatisin ang 'quality' ng 'Showtime' hosts, sabay pabirong 'pinuksa' ang OOTD ni Jackie Gonzaga, na "cause of anxiety" raw niya.
Naging seryoso naman ang usapan nang magkuwento ang madlang 'Laro Laro Pick' players mula Pasig City. Una na diyan ang mapapait na pinagdaanan ni Betty. Isa ang kanyang manugang sa mga "natokhang" noong 2017, dahilan para magkaroon ng "depresyon" ang kanyang anak kaya siya na ang nagtaguyod sa limang apo. Kapapanaw lang din ng kanyang asawa nitong Disyembre.
Malungkot din ang kuwento ni Manok (na tinawag na 'Manok' dahil madalas kumain ng pagpag noon). Ikinuwento niya kung paano sila naghiwalay na mag-asawa noong nawalan siya ng trabaho dahil inuna ang pag-aalaga sa pamilya. Pero ngayon ay nagsisikap naman sa mga raket. Naluha si Manok, kaya biro ni Meme, ngayon lang siya nakakita ng manok na umiiyak!
Dahil sa mga pinagdaanan ng players, nag-reflect si Meme kung bakit maraming Pilipino ang hindi yumayaman kahit masisipag naman.
Hoping for 'quality' papremyo si Alou, ang madlang player mula Pasig, na umabante sa 'Laro Laro Pick' jackPOT round. Isa siyang labandera. Maging mabango kaya ang kapalaran niya?
Ang sabi ni Vice Ganda, i-aim ang 'quality' POT money na P350,000 pesos at huwag makuntento sa mas maliit na offer lang. Pero kinabahan si Alou at pinili ang P40,000 Li-Pot. Bagama't malaki-laki ang naiuwing pera, 'di maiwasan ni Alou ang manghinayang dahil
kaya niya palang sagutin nang tama ang POT question! 'Di bale, congratulations pa rin, Ate Alou!
Sa pagpapatuloy ng bakbakan ng mga pambato ng Region I sa 'Tawag Ng Tanghalan Ika-10 Taon,' ipinakilala ang bagong hurado! Si Marielle Montellano ang katuwang nina Erik Santos at Louie Ocampo sa pagkilatis sa mga contenders sa araw na 'to.
Unang sumalang sa tanghalan si Kat, na mula pa Pangasinan. Bagama't nabilangan nang dalawang beses, nairaos pa rin ang "I Dreamed A Dream" performance. "Off" in some parts, kung ilarawan ni Punong Hurado Louie ang pagtatanghal. "Monotonous" naman ang sabi ni hurado Marielle, na sinang-ayunan ni hurado Erik.
Katulad ni Kat ay muntik din ma-gong ang ikalawang kalahok, si Juline ng Ilocos Sur, na inawit ang “Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin." Para naman kay Juline, straightforward na sinabi ni hurado Erik, "Obviously, you can sing, but you're not prepared enough for 'Tawag Ng Tanghalan.' Pero pag-e-encourage nila, huwag dibdibin ang mga komento at tingnan ito bilang "room for improvement." Dagdag ni Erik, bukas ang kanilang pinto bilang mga hurado kung may tanong ang contestants.
Sa huli, si Juline ang panalo sa markang 88%.
#ItsShowtimeFullEpisode
#ABSCBNEntertainment
#ItsShowtime
#SayaJanSaShowtime
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: