2023 Transparency Roadshow - Olongapo City
Автор: FOI Philippines
Загружено: 2023-12-10
Просмотров: 31
Muling umarangkada ang Transparency Roadshow ng Presidential Communications Office at ng Freedom of Information – Program Management Office sa Gitnang Luzon ngayong linggo.
Pinasinayaan ng Olongapo City ang muling pagbabalik ng Transparency Roadshow, isang inisyatiba ng PCO-FOI PMO na bahagi ng integrated information, education, and communications (IEC) campaign na nagtataguyod ng transparency at accountability sa gobyerno sa pamamagitan ng access sa impormasyon. Nakahanay din ito sa Philippine Development Plan 2023-2028 ng Administrasyon, na nagbibigay-diin sa pangangailangang palakasin ang localization ng programang FOI.
Pinangunahan ni Atty Evangeline Q. de Leon, Assistant Secretary for Operation ng PCO Transparency Roadshow kung saan hinikayat niya ang lokal na pamahalaan na palawakin ang FOI sa pamamagitan ng isang lokal na ordinansang magpapatupad nito. Ipinaliwanang naman ni Bb. Krizia Casey Avejar, Division Chief ng FOI-PMO ang Executive Order No. 2,s.2016 o ang implementasyon FOI Program at pagsasalokal nito.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Atty. Rolen Paulino Jr. ang kahalagahan ng transparency sa pagpapahusay ng serbisyo-publiko ng lokal na pamahalaan. Kaisa ang Alkalde ng Olongapo na naniniwala sa adhikain tungo sa isang tapat na pamamahala.
Kabilang din sa programa ang ilang mga ahensya ng pamahalaan – ang Department of Public Works and Highways at ang Department of Health (Philippines) kung saan sila ay nagbahagi ng kanilang mga transparency initiatives ng kanilang mga ahensya.
Kabilang sa mga panauhin mula sa DPWH si G. Andro Santiago, FOI Officer, kung saan tinalakay niya ang DPWH GIS Web App at iba pang programa ng DPWH patungkol sa transparency ng kanilang mga gawain, at paano ito nakatulong sa muling pagpapanumbalik ng tiwala ng mamamayan sa ahensya.
Ipinakilala naman ni Dr. Queenie Dyan Raagas, Chief ng Career Development and Management Division ng DOH, ang kanilang National Health Workforce Support System (NHWSS), at kung paano dini-deploy, binabahagi, at pinapanatili ang mga health workers upang mapahusay ang access sa mga de-kalidad na serbisyong pangkalusugan lalo na sa mga kanayunan.
Mahigit 180 Olongapeño ang nakibahagi sa Roadshow, kabilang na ang mga opisyal at kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Olongapo, mga kinatawan ng iba’t ibang barangay at Civil Society Organizations, at ilang miyembro ng media.
Olongapo City Information Center
#2023TransparencyRoadshow
#FOIBridgingPeople
#FOITulaySaKaalaman
#PassFOILawNow
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: