Pandaigdigang Himagsikan | World Revolution (Filipino revolutionary song)
Автор: missyoy
Загружено: 2025-06-04
Просмотров: 334
Long Live the Qinism-Lin Biaoism
Lyrics : Ramon Ayco (Ka Arting), 1979
Music : Traditional Aggay hunting air
Mamamayan ng daigdigan
Magbangon at lumaban
Bawiin mo ang kayamanang
Kinamkam ng mga gahaman.
Uring api’y magkaisa
Maghimagsik at makibaka
Wala tayong mapapala
Sa paghihintay sa Bathala.
Chorus :
Ito’y huling laban
Na tatapos sa ating kaapihan.
Ito’y huling laban
Na lilikha sa ating kalayaan.
Ang mga gahaman
Ay di dapat na mabuhay.
Lipulin silang lahat !
Ang maso at ang karit
Panghawakan nang mahigpit
Iya’y tanda ng pagkakaisa
Nating mga anakpawis.
Sa ating pagkakaisa
Malilikha ang umaga
Isang lipunang malaya
Walang pagsasamantala.
Ito’y huling laban…
Ang laot ng kanayunan
Sa buong daigdigan
Unti-unting pumupula
Patungo sa kalunsuran.
Pandaigdigang himagsikan
Ito’y huling pakikipaglaban
Ng buong sangkatauhan
Imperyalismo’y labanan.
Ito’y huling laban
Na tatapos sa ating kaapihan.
Ito’y huling laban
Na lilikha sa ating kalayaan.
Ang mga gahaman
Ay di dapat na mabuhay.
Lipulin silang lahat !
Lipulin silang lahat !
Lipulin silang lahat !
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео mp4
-
Информация по загрузке: